Hi*4*

7 1 0
                                    

Pangapat

"Hi!Magisa ka lang ba dito?Gusto mo samahan kita?"

Natatandaan mo pa ba kung ilang beses mo ng paulit ulit na tinatanong sakin yan sa twing pupunta ka rito?Mukhang hindi ka napapagod.Hindi ka nagsasawa.Hindi ba nauubos ang pasensya mo?Palagi na lang kasi kitang iniisnob.Gusto sana kitang kausapin din kaso halos nawawalan na man ako ng boses kapag kaharap ka.Parang umuurong ang dila ko.

"Miss!Pansinin mo naman ako oh!Gusto lang naman kitang kaibiganin.Bakit ba ayaw mo kong pansinin?"

Tanong mo sakin.Medyo nakasimangot ka na non.Ngunit pinipigilan mong hwag ipahalata.Siguro ay nakaramdam ka na ng pagsasawa.Isang linggo muna itong ginagawa.Kaya sino ba naman ang hindi maiinis hindi ba?

Tinitigan lamang kita non at tsaka umiling.

Hindi sa ayaw kitang maging kaibigan.Kundi hindi pwede...Dahil sa huli ako ang mahihirapan.

Mukha namang nagets mo yung ibig kong sabihin kaya napayuko ka na lang.Tumalikod na ako sayo non at nagsimula ng maglakad papalayo sayo.Napaisip tuloy ako.

Kung tutuusin ay wala pa akong nagiging kaibigan sa tana ng buhay ko.Dahil nung bata pa lamang ako ay madalas na akong magkulong sa bahay.Hindi kasi ako pinapayagan ng mga nagsilbi kong  magulang na lumabas.Nung highschool naman ay halos walang nagtangkang lumapit sakin.Bukod kasi sa hindi kawari wari ang pisikal ko na itsura ay ipinagkalat pa ng Step sister ko na may lahing sa demonyo daw ako.Kaya natakot sila sakin at hindi na ako nagkaroon ng kaibigan.

Hindi ko naranasan ang magkaroon ng sandalan sa twing masama ang loob ko,Katuwaan sa mga nararanasan ko at pagaanin ang loob ko sa twing nalulungkot ako.Dahil sa loob ng labing siyam na taon.Tanging sarili ko lang ang naging sandalan ko non.

Napangiti na lang ako ng mapait.Gusto ko ng kaibigan.Gustong gusto kong maranasan na magkaroon ng karamay.Gusto ko.Kaso....

Sino nga bang magaakala na ang isang katulad mo ay nanaisin na mapalapit sa akin?..Nakakatuwa dahil narinig ko sayong mga labi na gusto mo kong maging kaibigan kaso natatakot ako.

Dahil lahat ng itinuturing kong mahalaga sa buhay ko ay iniiwan ako.

Ayokong maging parte ka ng buhay ko.Dahil aasa nanaman ako na parati kang nandyan para sakin ngunit bigla na lang maglalaho kapag kailangang kailangan ko na.

"Bakit ayaw mo akong papasukin sa buhay mo?"

Sigaw mo.Hindi ako humarap sayo at nanatiling nakatalikod lang dahil mawawalan nanaman ako ng boses kapag kaharap ka.

"Dahil sa huli...iiwanan din ako ng mga taong mahalaga sakin..."

Hindi ko na hinintay pa kung ano ang sasabihin mo sa mga narinig mo sakin.Agad agad na akong tumakbo papalayo sayo tulad ng lagi kong ginagawa sa twing malapit ka.

Ngunit sa pagtakbo kong iyon ay hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha.Tuloy tuloy itong tumutulo sa aking mukha.

Nakakainis lang kasi dahil kahit anong gawin kong pagpigil at pagpunas ay tila hindi ito nauubos at wala atang balak tumigil.

Hindi ko alam kung bakit ba ako naiiyak.Siguro ay marahil sa sakit na dinadala ko sa nakaraan.Ang sakit lang kasi sa twing naaalala ko.

Sa huli hinayaan ko na lang ang sarili ko na umiyak.Tutal yun na nga lang ang magagawa ko para mabawasan ang sakit ay pinagkakait ko pa sa sarili ko.

Mga ilang minuto din ang lumipas at naging ayos na ako.Pinunasan ko ang mga natitirang luha sa aking mga mata at inayos ang lukot ng aking damit.

Napatingin na lang ako sa langit.Payapa at magaan...Nakakainggit dahil gusto ko ng ganon na buhay.Gusto ko na maranasan yon.Kahit sandali lang.Kahit limang segundo lang...Gusto kong maramdaman.

Pero pano?

"Sinabi ko na sayo hindi ba?...Papasukin mo lang ako sa buhay mo sinisigurado kong mararanasan mo ang mga bagay na gusto mong madanas."

Bigla akong napatingin sayo.Nakangiti ka non at nakatingin din sa kalangitan.Ngunit ng magtama ang mga mata natin ay bigla kang ngumiti.

Siguro nga tama ka.Hindi naman masama kung susubukan kong maging parte ka ng buhay ko.Hindi ba?





flyingBUZZ©2015

#HI!

Hi?Natatandaan mo pa ba ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon