One month ago...
Hindi na tayo nagkikita.Hindi ka na nagpupunta dito sa WoF para dumalaw.Namimiss na kita.Alam mo ba na kahit lumipas na ang isang bwan hindi pa rin kita makalimutan?
Oo,masakit sa una na malaman na kayo na.Mahirap.Kasi sa twing naaalala kita naiiyak ako.Nasanay na rin kasi ako sa kakulitan mo palagi.Tuloy namimiss kita.Pero habang lumilipas ang araw parang nasasanay na rin ako.Nasasanay na wala kana sa tabi ko.Yung hindi na ako yung kinukulit mo palagi.Yung hindi na ako yung palagi mong aalalahanin dahil may mas mataas na ngayon sa pwesto ko.At hindi na ako yon.
Sa loob ng isang bwan marami na ring nangyari sa akin.Nagbunga na rin yung pinaghirapan ko.Nakaipon na rin ako para sa kolehiyo ko.Nakakuha na rin ako ng scholarship galing sa isang mayamang pamilya.Ang bait ng mga tumulong sakin.Kinupkop nila ako at binigyan ng marangyang buhay.Hindi na nga sana ako magtatrabaho sa WoF dahil ang gusto ng mga kumupkop sa akin ay magaral na lang.Kaso tumanggi ako.Nahihiya kasi ako dahil ang laki na ng naitulong nila sa akin isa pa umaasa kasi ako na babalik ka sa WoF.
Gusto ko sanang icelebrate natin tong dalawa kaso wala ka na nga pala.
~
"Ma'am nandito na po tayo."
"Ah.Salamat po kuya Paul.Una na po ako."
"Sige po.Ay ma'am!Wait lang po!"
Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng kotse ng pigilan ako ni Kuya Paul.Nagtataka ko naman itong tinignan.
"Bakit po kuya?May problema po ba?"
"Yung payong nyo po ma'am nakalimutan nyo?"
Nakangiti kong tinanggap yung payong na inabot sa akin ni kuya.Atsaka nagpasalamat bago tumalikod sa kanya.Bigla tuloy nagflashback sa akin yung una nating pagkikita.Yon ata ang hindi ko makakalimutan.Basang basa ka non at miserable pa.Mukha ka pang basang sisiw.Pero tignan mo ngayon—
"Tss.Ang tigas talaga ng ulo mo Ritz!Nababasa kana ayaw mo pang magpayong."
Nagulat ako ng makita kita ngayon sa harapan ko.Nakakunot ang noo habang pinapagalitan ako...Totoo ba ito? o nananaginip lang ako?Nasa harapan na kita ngayon.
"S-sed?Anong ginagawa mo dito?"
Hindi makapaniwalang tanong ko sayo.Busy ka lang non sa pagpunas sa mukha ko at nakakunot pa rin ng sinagot mo ako.
"Malamang.Dito ako nagaaral.Ikaw?Anong ginagawa mo dito?"
Tanong mo.Parang may nagbago sayo.Parang hindi na ikaw yung Sed na minahal ko noon.Iba ka na.Hindi ka na ngumingiti at parang galit na sa mundo.Parang hindi mo ako namiss sa tagal nating pagkikita.Kung tutuusin gumwapo ka lalo sa paningin ko.Pero ano ng nangyari sayo?Parang wala na ang smile sa vocabulary mo?...
"A-ah.Dito na din ako magaa—"
Pero bago ko pa natapos ang sasabihin ko.Bigla mo na lang akong tinalikuran.Nakaramdam tuloy ako ng kirot sa puso ko.Parang wala kang pakealam sa bestfriend mo.
"Sige.Una na ako."
Tinitigan lang kita habang naglalakad palayo.Nakaramdam tuloy akong ng lungkot.
Don ko narealize sa saglit na pagkikita natin ramdam ko.
Ang laki na ng pinagbago mo Sed.Sobrang laki na...
flyingBUZZ©2015
#HI!

BINABASA MO ANG
Hi?Natatandaan mo pa ba ako?
Teen FictionHi!Natatandaan mo pa ba ako?... flyingBUZZ©2015