Lumipas ang maraming araw at bwan simula ng pinapasok kita sa buhay ko.Tanda mo pa ba?
Naging matalik na magkaibigan tayo non.Madalas kang bumibisita tuwing hapon sa WOF kapag may pasok ka.At kapag naman wala ay umaga palang ay naroon kana.
Natutuwa nga ako sayo kasi hindi ka nagsasawa sakin.Ni hindi mo man lang pinaramdam sakin na naiinis ka na ba sa twing kinakausap mo ko.Dahil hindi ako masyadong palasalita.Magsasalita lang kasi ako pag kailangan eh.
Alam ko minsan nakakabagot din akong kasama.Pero ewan ko ba sayo!Parang di ka nauubusan ng topic sa twing magkakausap tayo.Para bang kahit wala namang ka excite excite sakin ay parang excite na excite ka pa rin twing bibisitahin mo ko dito sa WOF.
Naaalala mo ba?Nung minsan ng tanungin mo ako tungkol sa pagaaral?Yun ata yung usapan natin na hindi ko makakalimutan eh...Kasi..
"Ritz!Bakit ka nga pala palaging nandito sa WOF?Hindi ka ba pumapasok?"
Tanong mo sakin.Tila nakaramdam ako sayo ng hiya non dahil hindi naman ako nakatuntong ng college di pares mo na malapit ng makagraduate.Hindi na kasi ako pinagaral ng mga nagsilbi kong mga magulang non.
Dagdag gastusin lang naman daw kapag pinagpatuloy ko pa dahil yung step sister ko rin ay magcocollege na.Masyadong maraming kailangan ng pera.At hindi sapat ang kinikita ng mga nagsisilbi kong mga magulang para tustusan kaming dalawa para sa pagaaral namin sa kolehiyo.Tanging isa lamang ang kaya nilang pagaralin at hindi ako iyon.
Mukha namang medyo nakaramdam ka kaya agad mo ring binawi yung tanong mo sakin.Pero hindi na rin ako pumayag.Masyado kana kasing maraming nakwento sakin tungkol sa personal mong buhay non.Kaya naisipan ko na panahon naman para magopen ako sa isang tao.Para naman may alam ka sakin.Tutal magkaibigan naman tayo hindi ba?May tiwala ako sayo.
"Sa totoo lang hindi ako nakatuntong ng college..."
Panimula ko.Ramdam ko na nanahimik ka lang at nakatingin sakin.Hindi ko alam kung anong iniisip mo o kung ang liit ng tingin mo na sakin non.Basta pinagpatuloy ko lang ang pagkkwento ko sayo.
"Hindi kasi kaya ng mga tumatayo kong mga magulang na pagaralin ako sa college dahil may anak din silang magccollege na...Kaya heto ako ngayon.Hanggang highschool lang ang natapos."Sabi ko.
Sa totoo lang naiinggit nga ako sa mga taong nakatuntong ng college kasi matutupad na nila yung mga pangarap nila di katulad nung sakin...Heto...nagtatrabaho at nagtityaga sa maliit na kita.
"Kaya ba palagi kang nandito sa WOF?..Ibig sabihin employee ka dito?"
Tanong mo ng di makapaniwala.Tumango lang ako sayo non kahit nahihiya.Nahihiya dahil ikaw ang kaharap ko nakatuntong na ng kolehiyo at magiging matagumpay na...
"Oo.Nagtatrabaho ako dito.Alam kong maliit lang ang kita dito pero sino ba naman ako para tumanggi diba?Atleast nakakaipon ako ng pampaaral para sa kolehiyo ko."
Sabi ko sabay baon ng ulo ko sa mga tuhod ko.Pasimple na pinunasan ang luha dahil sa hirap na dinaranas ko non.Ayoko kasi na ipakita sayo na naiiyak ako.Mas lalo lang tumitindi ang hiyang nararamdaman ko sayo.
Pero alam mo ba na bumilis ang tibok ng puso ko sa mga sinabi mo?.Dahilan para mapunta sayo ang atensyon ko.
"Ang galing mo.Hanga ako sayo kasi nakakaya mong magtrabaho.Dumanas ng paghihirap.Di tulad ko.Umaasa lang sa mga magulang.Nakahiga sa kama ng mga pera.Ngayon ko lang narealize.Na ganon pala kahalaga kung pano kahirap humanap ng pera.Swerte ko pa pala dahil nakakapagaral ako....Pero tignan mo...ginag*go ko lang...Alam mo mas lalong lumaki ang paghanga ko sayo dahil kaya mong magisa.Salamat ha?Pinarealize mo sakin kung gano kahalaga ang mga simpleng bagay sa buhay ng isang tao."
Sabay ngiti mo sakin.Dahilan upang bumilis nanaman ang tibok ng puso ko.
Kaasar!Bakit ba sa twing ngingiti ka ay bumibiis ang tibok ng puso ko?
Ano bang meron sayo?
Wala namang nakakatuwa sa mga sinasabi mo ngunit parang tila nagpaparty ang loob ng sistema ko.
Kainis!Normal pa ba ito?
flyingBUZZ©2015
#HI!
BINABASA MO ANG
Hi?Natatandaan mo pa ba ako?
Teen FictionHi!Natatandaan mo pa ba ako?... flyingBUZZ©2015