"Hindi ko na ata kaya.Sa twing nakikita ko syang may kasamang iba para akong sinasaksak.Nakakainis lang!Bakit ba hindi nya ako mapansin pansin?!Ginawa ko naman ang lahat ah!Bakit ang sakit?!"
Siguro kung may hawak lang ako non na medal ay binigay ko na sayo dahil Best Hugot award ka.Kaso hindi iyon ang oras para magbiro ako sayo.
Tandang tanda ko pa.Kung gano ka kamiserable ng tumawag ka sakin para damayan kita sa problema mo.Naabutan pa kitang lasing at iyak ng iyak na parang bata na hindi napagbigyan sa kanyang hiling.Awang awa ako sayo habang tinitignan kang umiiyak habang tumutulo ang mga luha.
Mahal mo talaga sya no?
"Ritz!Sabihin mo nga sakin!Tapatin mo nga ako!Kulang pa ba yung mga efforts ko sa kanya para hindi nya ako mahalin?"
Umiling lang ako bilang sagot.
Hindi.Sobra sobra na nga eh.
Saglit kang tumungga mula sa bote ng alak at pasuray suray na tumayo paharap sakin.
"kainis!Bakit ayaw mo magsalita?!Hindi ba friends naman tayo?!Wag mong sabihin na pati ikaw ay ayaw na akong kasama?!"
"Hindi sa ayaw kitang kasama!Ikaw nga lang ang naging kaibigan ko eh!Iiwanan pa ba kita?"
Nakangiti kong sabi.Napangiti ka naman sa mga narinig mo sakin.
"Alam mo?Kahit na minsan ka lang magsalita may sense kapag sinabi mo na.Salamat Ritz ha?Ano kaya ang gagawin ko kung mawala ka sakin?"
Sabi mo sabay akbay sakin.
Bigla naman tuloy bumilis itong tibok ng puso ko.Feeling ko ay lalabas na sya sa dibdib ko.Naririnig mo ba ang malakas na pagkabog nito?...Ano bang ibig sabihin ng nararamdaman ko?...
"..Ritz!"
"hmmm?"
"Wag ka munang magboboyfriend ha?"
"Bakit?"Tanong ko.
Nabigla naman kasi ako sa sinabi mo.May maglalakas ba ng loob na manligaw sa kagaya ko?...
"Kasi..kapag nagkaboyfriend kana mawawalan ka na ng time sa bestfriend mo.Nakafocus ka na kasi sa iba.Maiiwan nanaman ako..."
Sabi mo sabay pout.Bigla tuloy akong na cute-an sayo.Kaya bigla kitang binatukan.
"Psh!Walang manliligaw sakin!Sa itsura kong to!Wala ngang nagagandahan sakin eh!"
Sabay turo ko sa sarili kong mukha.
"Grabe ka naman!Nagagandahan nga ako sayo eh...So ibig sabihin..."
"Ibig sabihin ano?"
"Naliligawan kita."Sabi mo sabay taas baba ng kilay mo.Bigla naman tuloy naginit ang mga pisngi ko.
"Sira!Lasing ka lang eh!"
"Hindi ah.Pero pano kung naging tayo Ritz?Ano ang gagawin mo?"
Ano nga ba ang gagawin ko...
"Hindi ko alam...dahil hindi naman mangyayari yon....Ikaw anong gagawin mo?Kung sakali man?"
Tumingin ka non sa kalangitan at tsaka nagsalita.
"Pipilitin kong kalimutan ang nararamdaman ko sayo....Dahil ayaw kong isuko ang pagkakaibigan natin...Kapag kasi naging tayo...baka mawala ka pa sakin.."
Noon ko lang narealize.Nasa twing malapit ka sakin ay bumibilis ang tibok ng puso ko ay dahil....gusto na ata kita Sed?
flyingBUZZ©2015
#HI!

BINABASA MO ANG
Hi?Natatandaan mo pa ba ako?
Teen FictionHi!Natatandaan mo pa ba ako?... flyingBUZZ©2015