Pangalawa
Hi!Natatandaan mo pa ba yung Wall of Feelings?Dito sa plaza?...Yung may nakatayong malaking wall na kulay puti tapos libre kang isulat kung ano ang nararamdaman mo gamit ang mga markers?..Dito kasi tayo noon pangalawang nagkita.
Ilang months na simula nung huli tayong nagkita.Natagpuan kita noon na parang timang na umiiyak at tumatawa habang sinusulat ang mga salitang 'balang araw mapapansin mo rin ako'...Inakala ko pa nga non na nasisiraan ka na ata ng bait...at hopeless romantic ka rin pala?...
Sorry ha..Hindi ko sinasadya kung naoffend man kita..Pangalawang beses pa lang naman kitang nakikita at naabutan pa kita sa ganon na sitwasyon.Hindi lang ako makapaniwala.
Hindi na ako nagabala pang lapitan ka.Hindi naman kasi tayo close at hindi tayo nagkakakilanlan pa...
Pinulot ko na lang ang mga nagkalat na markers tsaka ito nilagay sa box.Paalis na sana ako non kaso bigla akong nadulas.
Naapakan ko kasi yung isa pang nakakalat na marker kaya nadulas ako.Nakalikha tuloy ako ng ingay.Naistorbo tuloy kita.Kaya napunta sa akin ang atensyon mo.Halos magpanik ang sistema ko dahil sa sobrang kahihiyan sayo.Hindi kasi ako sanay na binibigyan ng pansin.Mahiyain kasi ako.
Binilisan ko ang pagpulot sa mga markers na nalaglag ng maramdaman ko na papalapit ka sa direksyon ko.Pero mukhang huli na ata dahil....
"Miss...tulungan na kita.."
Sabi mo sabay pulot sa iba pang markers.Hindi na ako nakatanggi pa sayo kasi sinimulan mo ng pulutin yung iba pang nalaglag na markers.
Hindi na kita sinagot non at hinayaan ka na lang.Habang ako naman ay pilit na niyuyuko ang aking ulo upang hindi mo makita.Baka kasi natatandaan mo pa ako.At hindi ko alam ang gagawin o sasabihin sayo kung sakali man na sabihin mong...Natatandaan kita...
Abala ka pa rin non sa kapupulot ng mga markers pero hindi mo pa rin maiwasan na mapasinghot.Halatang galing ka sa kaiiyak.Gusto ko sana na tanungin kung ayos ka lang pero natatakot ako na baka makilala mo ako.
"Okay!Tapos na!"Sabi mo matapos mapulot lahat ng mga markers.Tumayo ka na non at naginat inat pa.Pasimple kong sinulyapan ang mukha mo.Namumula pa rin ang mga mata at ilong mo kahit nakangiti ka na.Natanong ko tuloy sa sarili ko...
Bakit ang galing ng mga taong magpanggap?
Bakit kailangan pa nilang itago ang tunay nilang nararamdaman sa lahat?
Hindi ba mas masasagot ang kanilang problema kung sasabihin na lang nila at magiging totoo sila sa nararamdaman nila?
Gusto ko pa sanang magtanong sa sarili ko.Kaso narealize ko hindi ko naman alam ang sagot.
Bigla akong nagiwas ng tingin sayo at dalidaling yumuko ng bigla kang napalingon sakin.Ramdam ko na nakatitig ka lang sakin nung mga oras na yun.Nagtataka ka siguro kung bakit ako nakayuko na parang may tinatago.Nawi-wierdohan kana ba?...
"Sige miss..Alis na ako..."
Malamang Oo...
Pero...
"Nga pala...Salamat dito sa payong at panyo na pinahiram mo..Isasauli ko na lang kapag nagkita ulit tayo.."
Mas nawi-wierdohan ako sayo...
flyingBUZZ©2015
#Hi!

BINABASA MO ANG
Hi?Natatandaan mo pa ba ako?
Teen FictionHi!Natatandaan mo pa ba ako?... flyingBUZZ©2015