Hi*7*

11 1 0
                                    

PINILIT kong umiwas sayo non.Labag man sa loob ko pero kailangan kong lumayo kahit na gusto kong manatili jan sa tabi mo.

Lumalala na kasi itong nararamdaman ko at hindi na ito tama.Hindi tama ang nararamdaman kong ito para sayo.

Ayoko kasi na masira ang pagkakaibigan natin.Alam kong mahalaga ako sayo.Pero higit pa don ang nararamdaman ko.Higit pa sa mahalaga kasi mahal na pala kita.

Ayokong isakripisyo ang pagkakaibigan natin para lang sa nararamdaman kong ito.Sayang kasi...ang dami na nating pinagdaanan at ayoko na masira na lang ito ng dahil sa aking nararamdaman para sayo.

"Umiiwas ka ba sakin Ritz?"

dug.dug.dug.dug.

Bigla akong napaiwas sayo ng tingin.

Eto ang kinaiinisan ko eh!Sa twing lumalapit ka palagi sakin ay parang mas lalong bumibilis ang pagpintig ng aking puso sa bawat araw.Nahihirapan tuloy akong makahinga at hindi alam ang sasabihin ko sayo.Kaasar!

"H-ha?Bakit naman kita iiwasan?"

"Ako dapat ang nagtatanong nyan.Bakit mo ako iniiwasan?May nagawa ba ako sayo?Diba magbestfriend tayo?Walang secrets na tinatago.At kung may galit sa isat isa dapat sinasabi natin para alam natin yung pagkakamali na dapat nating baguhin.Pero bakit ganito ka sa akin ngayon?"

Aish!Ang hirap ng ganito!Napakakomplikado!Pano ko sasabihin sa kanya yung totoo kung palagi na lang ganito ang set up namin.Pano ko masasabi sa kanya na gusto ko sya?Na mahal ko sya?...Kung sa twing sasabihin nya palagi sakin non at isusupalpal sa pagmumukha ko ang salitang bestfriend lang kami.Naguguluhan ako!Naguguluhan na ako!

"Sorry..sorry Sed.."

Sorry kung iniiwasan kita.

Sorry kung feeling mo iniwan na kita.

Sorry dahil nagtago ako ng sikreto sayo.

Sorry kung hindi ko tinupad yung promise natin sa isatisa.

at..

Sorry kung mahal na kita ng higit sa pagkakaibigan.

Sana mapatawad mo ko.Ang gusto ko lang naman ay iligtas yung pagkakaibigan natin laban dito sa nararamdaman ko.Eto yung kailangan kong gawin Sed.Ang iwasan ka.Kasi ito lang yung naiisip kong paraan para mawala itong nararamdaman ko.

Kapag kasi malapit ka at palagi tayong magkasama parang mas lalo kitang minamahal...

Tuluyan na akong tumalikod sayo at naglakad papalayo habang ikaw naman ay nakatulala lang sa akin.Siguro ay galit kana sakin dahil sa ginawa kong pagiiwan sayo.Pero okay lang.Mas okay nga na magalit ka...Para kapag nalaman mo na hindi na lalaki pa yung problemang ito.

"Hindi ko alam kung bakit ka nagsosorry sakin..Iniisip ko baka tinraydor mo na ako...Pero ito ang tatandaan mo Ritz...Kaibigan mo pa rin ako..Kapag okay kana o kahit hindi...Nandito lang ako at.... your service."

Bigla akong napalingon sayo.Kahit malayo na ang lugar ko sayo ay nakita ko pa rin ang mga labi mo na nakangiti para sakin...Walang halong pagkainis at pagkagalit kundi pagmamahal sa tunay na kaibigan ang nakikita ko sa mga mata mo.

Napangiti rin naman ako sayo.Wala ka talagang pinagbago...

"Salamat at dumating ka sa buhay ko....Sed"










flyingBUZZ©2015
#HI!

Hi?Natatandaan mo pa ba ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon