Hi*10*

8 1 0
                                    

"Girls Instinct!"

"Psh!Bobita ka talagang bruha ka!Ano namang konek non sa feelings ni ate?..."

"Tsk!Hindi mo kasi naiintindihan..Palibhasa wala ka non!Bakla ka kasi..."

Saglit naman akong napailing ng makita nanamang nagtatalo ang dalawang to.Kaya pinuntahan ko na sila sa sala para awatin.

"Tigil nyo na yan!Ang tatanda nyo na nagtatalo pa rin kayo?"

"Hindi ate ah!Naguusap lang kami.Alam mo namang mahal na mahal ko tong si William eh!Kaya hindi ko magagawa yon!"

Sabay akap ni Ana sa braso ni William na agad naman syang sinabunutan.

"Dont touch me nga!Di kita like no!Kainis ka ha?Try mo pang dumikit sakin at hindi lang yan ang aabutin mong gaga ka!"

"A-a-array!Sakit ha!Ouch!!"

Singhal naman ni Ana ng bitawan ang buhok nito.Bigla naman tuloy akong napangiti ng palihim sa kanila.Ang cute lang kasing tignan eh.Kunwari pa tong baklang to!Pero kita mo naman sa mukha nya na kinilig sya kanina sa sinabi ni Ana.Haha.

"Tsk.Tigil na nga natin to!...Bilis ate kwento kana..."

~*~

"Ano ba yung surprise mo sakin?"

Excited na tanong ko.Hindi ko tuloy mapigilan ang maging masaya.

"Basta...Wait lang at mamaya ipapakita ko rin sayo."

Sabay bulong nya sakin.Samantalang ako ay hindi na alam ang gagawin pagkat naeexcite na ako.Hindi ko tuloy maiwasan ang mapatanong.

Ano kayang regalo nya?

Teddy bear?Necklace?Girls staff?O ang puso nya na may kasama ng pagmamahal?...

Hay nako.Asa naman ako.Imposible naman yun kasi hanggang kaibigan lang talaga.At wala ng hihigit pa don kaya hwag kanang umasa pa Ritz!Malayo sa katotohanan!...

Saglit akong napatigil sa pagiisip ng bigla kang magsalita muli.

"Close your eyes Ritz."

"Ha?Bakit?"

"Surprise nga diba?"

"Ayoko."Sagot ko.This time ikaw naman ang nagtanong ng bakit.

"Ayokong mawala ka sa paningin ko.Mamimiss kita."bulong ko.Na as usual ay hindi mo palaging naririnig at palaging ganito ang litanya mo...

"May sinasabi ka?May narinig kasi ako eh."

"Wala.Sabi ko ang gwapo mo!"bingi ka nga lang dahil hindi mo kasi marinig itong tibok ng puso ko.

"Talaga?Salamat."

Hay nako.Kailan mo kaya maririnig ang tibok ng puso ko Sed?...Kailan mo kaya malalaman itong tunay kong nararamdaman?....Malalaman mo pa kaya to?

Saglit akong napatigil ng bigla kang huminto.Nakangiti ka lang sakin non at hindi nagsasalita.Medyo naguluhan ako nung una.Pero nang ituro mo kung ano ang nasa harapan ko ay laking tuwa ko ng makita ko kung ano ito.

Isang Romantic Candle light dinner.Ang sweet.

Hindi ko tuloy maiwasan na kiligin.

Ginawa nya to para sakin?

Dug.dug.dug.Hay.Sed ikaw ata ang papatay sakin eh.Papatay sa kilig.

"Ang ganda naman dito Sed!Ang....Ang...ang romantic....."

"Nagustuhan mo ba?"Tanong mo.

"Oo"...gusto ko!Gustong gusto ko!!Gusto ko sanang sabihin yan pero baka mahalata mo na masyado akong sabik sayo.Kaya nanahimik ako.

Habang tinititigan kita hindi ko maiwasang pagaralan ang anggulo ng mukha mo.Katulad sa mga model sa mga magazines na nakikita ko.Para kang ganon!Halos perpekto na.Idagdag mo pa yung mata mo na pinakagusto ko sa lahat dahil nakikita ko kung ano ang tunay mong nararamdaman palagi.Kung ano ka talaga.Hindi na ako magtataka kung sa school na pinagaaralan mo ngayon ay kinahuhumalingan ka ng karamihan.

"Sed?Para san ba ito?Ano bang meron?"

Hindi ko napigilang itanong.Ngumiti ka lang non atsaka sinagot ang tanong ko.....

"Actually....para to kay Trish...Yung palagi kong kinukwento sayo....Tatanungin ko na nga sya mamaya na kung pwede ko ba syang maging girlfriend."

....Na dahilan ng pagkadurog ng puso ko...















©2015flyingBUZZ

#Hi!-heartbreak-.







Hi?Natatandaan mo pa ba ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon