Hi*11*

8 1 0
                                    

Naalala ko pa no'ng bata pa ako.Umiiyak ako non magisa sa park.Pinagalitan kasi ako ni nanay.Ako kasi yung sinisisi nya sa pagkawala sa perang inipon nya.Akala nya kasi ninakaw ko yun kaya ako ang pinagbibintangan nya.

Wala akong magawa non kundi umiyak sa harapan nya at sabihin na hindi naman talaga ako ang kumuha ng pera nya kundi yung totoo nilang anak.Pero sa halip na pakinggan ako ay nakatanggap pa ako ng isang malakas na sampal.Sa sobrang sama ng loob ko sa totoong anak nila at sa kanila ay bigla na lang akong tumakbo at don dinala ako ng mga paa ko sa park.

Pero maling desisyon ata yon kasi mas lalo akong napaiyak dahil sa mga masasayang pamilya na nakita ko.Ang saya nila at kumpleto pa.Nakakainggit.Sana makasama ko balang araw ang mga tunay kong mga magulang.

Ipinunas ko non ang marumi kong t-shirt na maluwag sa aking madungis na mukha upang punasan ang aking mga luha.Ng bigla kong mapansin ang isang babae na nakauniporme habang umiiyak na nakaupo sa duyan.

Halatang kutis mayaman sya.Ang ganda ganda nya.Ang haba ng buhok at ang bango bango pa.Pero di alintana sa akin kung ano ang itsura ko o kung anong amoy ko ng lumapit sa kanya.

"Ate bakit ka umiiyak?"

Tanong ko.Mukhang nagulat sya pero saglit nyang kinuha ang panyo nya para punasan ang mukha ko.Bigla tuloy akong nagulat.

"Hala ate!Bakit mo ako pinunasan?Eh ang dumi po ng mukha ko tsaka ang linis ng panyo nyo!Nakakahiya po."Sabi ko na medyo natataranta.Yun ang unang beses na may isang tao na hindi ako itinuring na isang pulubi o kung anuman.Ngumiti lamang ito.Lalo tuloy lumabas ang ganda nya.

"Haha.Okay lang yan...umiiyak ka rin kasi eh.Bakit ka umiiyak?"

Tanong nya kaya bigla akong nalungkot.Naalala ko kasi yung ginawa ni Nanay.Kaya parang medyo nahiya pa ako sa kanya na sabihin iyon.Saglit syang nanahimik pero maya maya pa ay nagsalita na sya.

"Okay lang kung ayaw mo.Naiintindihan ko.Ano bang pangalan mo bata?"

"Ritz po."

"Ang cute naman ng name mo!Bagay sayo."

Sabay pisil nya sa pisngi ko.Natuwa naman ako.

"Kayo po ate ganda ano pung pangalan nyo?"

"Ako?Ako si Rina Olivares.You can call me ate Rina na lang."

Ngiti nito habang sinusuklay nya ang magulo kong buhok.Napansin ko kanina pa na ngiti sya ng ngiti pero hindi umaabot sa kanyang mga mata.Parang peke.Kaya tinanong ko sya.

"Eh kayo po ate?Bakit po kayo umiiyak?"

"Nasugatan kasi yung puso ko kaya umiiyak ako kanina."Turo nya kung san nakapwesto ang puso nya.Bigla naman akong naguluhan.Sugat?Bakit wala naman akong nakitang dumudugo sa parteng yan.

"Nasugatan po kayo? wala naman po akong nakikitang sugat eh."

Bigla naman itong natawa at hinaplos ang buhok ko ng marahan.Ang sarap sa pakiramdam.

"Haha.Balang araw maiintindihan mo rin ang ibig kong sabihin,Bata ka pa kasi Ritz...Pero tandaan mo tong mabuti ha?....Masasaktan ka lang ng lubusan kapag totoong nagmahal ka na sa isang tao..."

Hindi ko alam kung bakit kahit hindi ko lubos na nauunawaan ang sinasabi ni Ate Rina ay tinandaan ko ang mga sinabi nya nung araw na iyon...

-*********-

"Ritz!"

Saglit akong nabalik sa katinuan ng marinig ko ang pangalan ko na tinatawag mo.Napatingin naman ako sayo at nakita kong nakangiti ka.Pero hindi ko alam sa sarili ko kahit na gusto kong ngumiti rin sayo ay hindi ko magawa.

"B-Bakit?May kailangan ka pa ba?"

"Wala na.Gusto ko lang magpasalamat sayo."

"Para san?"

"Para sa lahat ng mga to.Alam mo kung hindi dahil sayo hindi ko magagawa lahat ng to."Patuloy na sabi mo habang nakatingin sakin.Naguluhan naman ako.

"H-ha?Wala naman akong naitulong sayo ah."

"Anong wala?Meron kaya.Sa totoo lang kung hindi sinabi sa akin ni Lola Tess (namamahala sa WoF) na mahilig ka sa mga ganitong romantic na bagay hindi ko maiisip to.Pasensya ka na ha?Kung ninakaw ko sayo ang ideyang to."

Sinsero mong sabi.Nanahimik lang ako non sa tabi mo.Pinapakiramdaman ka.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.Dapat ba akong magalit dahil ninakaw mo yung pinaka inaasam asam ko na romantic dinner o dahil sa ibang babae mo iyan ipaparanas?

Siguro nga ay nagseselos ako.Siguro nga ay naiinggit ako.Kasi hindi ako yung nasa pwesto ng pinapangarap mo.Hindi ako yung mahal mo.Kailangan ko na talagang tanggapin to.Mali na kasi ito.Hindi na dapat kasi ako umasa pa.Kaibigan mo nga lang diba ako.Hanggang kailan kaya ako matatauhan sa katangahan na ito?Sana may gamot sa tanga no?Kung pwede lang lumaklak ng pampamanhid ng puso ko para mawala lang at maging manhid na din ako sayo.Kaso....wala eh.Mahal talaga kita.Mahal na mahal kita.To the point na kaya kong maging martir at tahimik na masaktan para sayo.

Ilang sandali pang katahimikan ang namagitan sating dalwa.Hanggang sa magdesisyon na akong magsalita.

"Sed."

"Bakit?"

"Una na ako.Medyo  late na rin kasi."

"Ganon ba?Sayang gusto ko sanang makita mo si Trish para magkakilala kayo."Nanghihinayang mong sabi.Tanging ngiti lamang ang sinagot ko sayo tsaka tumalikod na.Pero bago ako makalayo bigla mo akong hinawakan sa braso dahilan para mapahinto ako.

"Ritz.M-ma-magiingat ka."

"Oo.Sige na.Baka hinihintay ka na nya oh."

Sabay turo ko sa babaeng papalapit samin.Maganda sya.Mukhang mayaman din at ang tangkad.Mas lalong lumitaw yung kaputian nya sa darkblue dress.At mukhang may pinagaralan.Bago pa sya makalapit sa amin ay agad ko ng tinanggal ang pagkakahawak nya sa braso ko at tumakbo na.Ng makalayo na ako tsaka na bumagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Ang Hirap palang magpanggap na okay ka lang.Sed...Ang sakit...Sobrang sakit na...Gusto ko ng mawala tong nararamdaman ko para sayo!Pero pano?

Sana malaman mo kung pano ako nasasaktan ngayon.Sana malaman mo Sed....










©2015flyingBUZZ

#HI!..HEARTBREAKNIGHT










Hi?Natatandaan mo pa ba ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon