Hi*3*

6 1 0
                                    

Pangatlo

Hi!Natatandaan mo pa ba?

Ang madalas mong pagpunta dito sa WOF?..

Madalas ka dito non nagpupunta simula nung araw na magkita tayo dito.Lagi kang nagsusulat ng mga nararamdaman mo.Mga kalungkutan mo sa buhay,mga galit na kinikimkim mo,At mga sakit na tinatago mo.

Pero bilib din ako sayo.Alam mo yun?

Kasi kahit papano ay pinapakita mo parin na masaya ka sa harap ng mga tao.Ang tibay mo rin!

Alam mo ba na minsan ay binabasa ko ang mga sinusulat mo dito?Bumabalik ako twing gabi pag wala ng tao dito sa WOF para lang makita at mabasa ko ang mga sinusulat mo.Nakakarelate kasi ako sayo.Feeling ko kasi parang parehas tayo ng pinagdadaanan.Kaso mas maswerte ako sayo kasi kahit papano wala pa sa kalingkingan mo ang problema ko.

Naalala ko nun...Gabi na at mga bandang alasotso na ng gabi ng pumunta ako sa WOF..Alam mo na...para basahin nanaman ang mga sinulat mo.Wala ng tao non at madilim pa.Tanging flashlight lang ang nagsisilbing liwanag ko non.Ng makarating na ako ay nakita ko kaagad yung bago mong sinulat.

    -I just want you to know that even my heart turns into pieces im still love you

                                                                   -S.

BrokenHearted ka nanaman siguro no?Grabe!Nung nakaraan about family..tapos lovelife...Ang dami mo namang problema.Sinalo mo na ata ang lahat.

Ano kaya ang gagawin ko para kahit papano ay makatulong ako sayo?

Bigla akong maynaisip na idea.Kinuha ko yung isang color pink na marker at nagsulat din sa katabi ng sinulatan mo.Para agad mo itong makita.

       -Dont give up!Just love and love.Because the more you love the more maraming sinigang!
                                                                  -R:)

Hahaha.Ewan ko kung anong kalokohan ang pumasok sa isip ko at iyan ang isinulat ko.Bigla tuloy akong napatawa.Syempre yung walang sound.Baka kasi mamaya ay may makakita sakin dito.

Ibinalik ko na ulit yung marker sa lalagyan at handa na sana akong umalis non ng biglang.

"Sino ka?"

Kahit hindi ako lumingon ay kilalang kilala ko ang nagmamayari ng boses na iyon.Ramdam ko ang bilis ng pintig ng puso ko.Kinakabahan ako.Halos magpanik nanaman ang buong sistema ko.Ano ang gagawin ko?Nagpapanik na talaga ako.

Sa sobrang pagkapanik ko ay bigla kitang tinakbuhan.Takot na makita at maabutan mo.Ewan ko kung bakit ako nagkakaganito sayo.Basta ang gusto ko lang ay tumakbo hanggang sa makalayo ng tuluyan.

"Hoy!Miss!Sandali!!"

Mas lalo ko pang  binilisan ang pagtakbo ko ng maramdaman ko na sumusunod ka sa akin.Kainis!Bakit hindi mo na lang ako pabayaan?Bakit mo ba ako hinahabol?Gusto ko sanang isigaw yun ngunit....ngunit walang lumalabas sa bibig ko.

Ramdam ko na hindi mo ako titigilan para mahuli mo ako sa pagtakbo.Kaya tuloy nagisip ako ng paraan.Sinubukan kong iligaw ka.Tutal naman ay bago ka lang dito at hindi alam ang pasikot sikot.

Halos ibuhos ko na ang buo kong lakas para mas lalong mapabilis ang pagtakbo ko.Para di mo ako maabutan.Tagaktak na ang pawis ko at hindi na rin ako masyadong humihinga.Naninikip na rin ang dibdib ko.

Sinubukan kong lumingon sa likuran ko kung naroon ka pa.Laking pasalamat ko ng makitang wala kana.Salamat naman at hindi mo ako naabutan.Akala ko katapusan ko na.

Napahinga ako ng malalim.Whew!Nakakapagod tumakbo.

Magsisimula na sana akong maglakad palabas ng WoF ng biglang may humigit sa braso ko.

"Huli ka!"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ulit non.Ng hawakan mo ang aking braso ay tila lahat ng balahibo sa buo kong katawan ay nagsitayuan.Natatakot ako.

Natatakot na makita mo.Ngunit hindi ko maintindihan ang sarili ko.Ano ba ang dapat kong ikatakot?Wala naman hindi ba?Mukha ka naman kasing mabuting tao.Ngunit.Ah basta!Natatakot talaga ako.

Gusto ko mang makawala ay hindi ko na nagawa.Mukha atang nawala na ako sa katinuan.Pinanuod lang kita kung pano mo habulin ang iyong paghinga.

Ang lapit mo.Ang lapit lapit mo.Sa ilang beses nating pagkikita ay ngayon ka lang nakalapit sakin ng ganito.Hawak mo pa ako.

"Akala mo makakawala ka saki—"

Feeling ko.Tumigil ang oras.Huminto ang mga tao.Nagliwanag ang buong paligid kahit wala namang ilaw dito.At ikaw...ikaw lang ang tangi kong nakikita ng tumitig ka saking mga mata.

Mukhang sa halip na ako ang magulat ay ikaw pa.Kitang kita kasi sa iyong reaksyon.Sinamantala ko ang pagkakataon.Ayaw ko man gawin to.Ayaw ko man itigil to.

"Arrrrraaaayyy!!!"

Halos mapayuko ka sa ginawa ko habang ako naman ay tuluyan ng lumayo sayo.

Hindi pa kasi dapat tayong magkita...Hindi pa ngayon...









flyingBUZZ©2015

#HI!

Hi?Natatandaan mo pa ba ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon