"Anong naramdaman mo nung marinig mo yun sa kanya?"
Saglit akong natigilan at nginitian ito.
"..Masaya...Nakakakilig kasi galing yun sa taong mahal mo pero at the same time....masakit rin..."
"Bakit?..."
Bakit nga ba?Aah...oo nga pala...Naalala ko na...Naalala ko na kung bakit ako nasaktan non nung panahon na sinabi mo sakin na...
"I love you."
Pakiramdam ko huminto ang mundo.Parang nawala lahat ng tao.At tanging tayo lang dalawa ang naririto.
Ayoko ng matapos ang oras na to.Ayoko ng umalis pa sa kinatatayuan ko.Gusto ko sana ganito na lang palagi...yung walang katapusan mong sasabihin sakin ang mga katagang yan...kaso..
LAHAT ng oras may hangganan...may limitasyon at may katapusan.Walang permanente kahit hindi mo gusto mawawala at maglalaho ng parang bula...Masakit man tanggapin kahit hindi bukal sa loob ko ay tinanggap ko.. dahil alam ko na ito yung mas makabubuti satin ang maging...
"I love you...as a bestfriend Ritz!Kaya hindi ko kayang mawala ka sa tabi ko."
Magkaibigan...Matalik na kaibigan...Hanggang dun na lang siguro talaga ako para sayo....Masakit man aminin.Pero...Heto na eh!Sinasampal na ako ng katotohanan.Katotohanan na imposible na talaga...
Gusto kong magalit.Gusto kong sampalin ang sarili ko.Bakit pa kasi ako umasa??Gusto kong sumigaw,magdabog hanggang sa mawala lahat ng nararamdaman ko dito sa puso ko.Gusto kong umiyak sa harapan mo.Gusto kong makita mo na nasasaktan na ako dahil sawang sawa na akong kimkimin itong nadarama ko para sayo.Ang dami kong gustong gawin ngunit ni isa sa mga yon wala akong nagawa sa halip...ngumiti ako.Para maitago lahat ng sakit dito sa dibdib ko..
"Tignan mo Ritz!Ang daming stars oh!"
Bigla akong napamangha sa aking nakita.Dahil sa mga bituin ngayon sa kalangitan.Sobrang dami.Nakakatuwang tignan.Nakakaaliw.Nakakagaan ng damdamin.Parang nakalimutan ko yung sakit dito sa puso ko dahil sobrang ganda ng mga bituin.Payapa.Bigla kong inangat ang aking mga braso dahilan para bigla mo akong pagtawanan.
"Hahaha.Ritz anong ginagawa mo?Muntanga ka jan!"
"Psh!Inaabot ko yung stars!Wag kang ano jan!"
Sabi ko habang pinipilit ko pang mas iunat ang aking mga braso.This time napakunot kana.
"Itigil mo na nga yan..Hindi mo maabot yan kahit anong gawin mo.Tsaka isa pa...alam mo bang ang laki laki kaya ng star!Imposibleng makuha mo yun."
Saglit akong napasimangot.Ang star Sed parang yung pagibig ko sayo.Inabot ko na't lahat hindi pa rin kita nakuha.
Bwiset!Pati ba naman Star nire-relate ko na din sa nararamdaman ko??Ganito na ba talaga kapag naiinlove?Kainis!Tama ka nga!Mukha akong tanga!
"Oy!Bakit nakasimangot ka jan?...Dahil ba yun sa sinabi ko kanina sayo?"Tanong mo.Umiling lang ako bilang sagot.
"Eh ano pala?Bigla ka kasing nanahimik eh."
"Tahimik naman talaga ako ah!...Tsaka wala to.."
"Psh!Wala daw...Sige ganito na lang....
....Tumingin ka sa langit...Nakikita mo yung pinaka makislap na bituin?"
Turo mo sa langit bigla tuloy akong napatingala at hinanap ang itinuturo mong pinaka maliwanag na star.Ng makita ko ito ay bigla akong napangiti.Sobra kasing liwanag at namumukod tangi ito.Pero saglit akong nagtaka kung bakit itinuro mo yung star na yun.
"Sed.Anong meron sa star na yon...bakit iyon ang itinuturo mo."
Tanong ko.Bigla ka namang tumingin sakin at ngumiti.
"Hindi mo ba alam na yan ang Sed's Star?"
"Sed's Star??Niloloko mo ba ako??Gawa gawa mo lang ata yun eh!"
"Oo nga.Gawa gawa ko lang...Pero yung totoo kaya ko sinabing Sed's Star yan kasi...."
Ay pabitin pa?...
"Kasi ano?"
"Kasi kapag nagwish ka sa Star na yan...Tutuparin ko."
"Tutuparin mo?Nagjojoke ka ba?"
"Hindi ah!Sige na!Magwish kana...Basta yung di mahirap ah...Wala akong powers eh!Hehee"
Sabay tawa mo.Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng trip mo nung mga oras na yun at ako naman tong si tanga tanga sayo ay sumunod...
"Sige na Ritz!Magwish kana..."
Saglit akong pumikit atsaka ako humiling...
Hiling ko...kahit masaktan man ako ng sobra at hindi na kayanin ang lahat...Sana hindi mo rin ako iwanan gaya ng ipinangako ko sayo....At sana...mahalin mo din ako...balang araw...Sed...Sana matupad yon...
"Anong winish mo?"
"Sana hindi mo rin ako iwan.."At mahalin mo din balang araw.
Bigla mong hinawakan ang kamay ko dahilan para tumibok nanaman ang puso ko.Hays..Kailan kaya ako masasanay sa mga ginagawa mo?
"Hindi ko maipapangako na palagi akong nasa tabi mo pero umasa ka Ritz...Umalis man ako o mawala man ako...babalik ako para sayo...Pangako yan..."
Maybe.Siguro hindi na rin masama na hindi ko marinig sayo ang mga katagang matagal ko ng hinihintay Sed...Basta ipangako mo lang...walang iwanan...
oOo
"Ang hirap naman pala mabestfriendzone!Kung ako yun...Isasampal ko sa mukha nya na gusto ko sya para malaman na nya yung totoo at di na ako mahirapan pa!"
"Hindi naman ganon kadali yon eh.. Ikaw ba sasabihin mo ba ang tunay mong nararamdaman sa taong gusto mo kung ang kapalit ay ang paglayo nya sayo?"
Nakangiti kong tanong.Dali dali naman itong umiling at tsaka ako sinagot.
"Hindi...Natatakot kasi ako na malayo ako sa kanya..."
"Tama ka....ganyan din yung naiisip ko nong mga panahon na yon...kaya ang hirap talaga.."
"Hayyss...Ang hirap palang mainlove ate.Masakit."
"Hindi naman sa lahat...Tandaan mo hindi mo matatawag na pagmamahal kapag walang sakit na kasama...At yang sakit na yan ang magbibigay ng aral satin para lalo nating mahalin yung taong para sa atin."
"Ako kaya kailan ko kaya matatagpuan ang destiny ko?Haha...Sana yummy na papabel!Charot!"
"WILLLLLIAAAMM!!"
"Oh my!Ate alis na ako!Andyan na ang bruha eh!"Nagpapanik na sabi nya habang patawa tawa naman ako dahil sa mga nakikita ko.
"Baka sya na yung taong nakatakda sayo?"
"YUCK!Ate!Hindi kami talo!Girlalu sya!Diwata ako!...Sige ate bye!!!"
Paalam nya at tuluyan ng tumakbo palayo sa kinatatayuan ko.
flyingBUZZ©2015
#HI!....
BINABASA MO ANG
Hi?Natatandaan mo pa ba ako?
Novela JuvenilHi!Natatandaan mo pa ba ako?... flyingBUZZ©2015