Hi*8*

5 2 0
                                        

Ganito pala ang pakiramdam kapag nalayo ka sa taong mahalaga sayo.Parang may kulang..Parang hindi kompleto ang araw mo kasi nasanay ka palagi na nasa tabi mo lang sya.Yung tipong kahit iwaksi mo sya sa iyong isipan ay ayaw pa rin nyang mabura.

Well,..hindi naman talaga tayo nagkalayo diba?Humingi lang ako ng distansya at pinagbigyan mo lang naman ako kaya pansamantalang hindi tayo nageexist sa mundo ng isat isa...

Ngunit bakit ganon?Sa twing tinitignan kita sa malayo..parang....parang nagiba na?Parang nalimot mo na ata yung pagsasamahan natin.

Kapag nakikita kita parang kaya mo na na wala ako sa tabi mo...Mas mukha ka kasing masaya sa piling ng iba.At yung tawa at ngiti mo sa ibang tao hindi ganun kasaya kapag kaharap kita.

Nakaramdam tuloy ako ng paninikip sa dibdib.At inis sa sarili dahil sa katangahan na ginawa ko at sa huli ay pinagsisisihan ko na.Parang gusto kong maiyak dahil sa ginawa ko.Alam ko.Kasalanan ko to!

Ikaw kasi Ritz!May pa space space kapang nalalaman!Tignan mo ngayon!Wala na sya..Mas lalo mo na syang hindi naabot!

Matatanggap ko pa ata na hanggang kaibigan na lang ako..Pero yung makalimutan mo na ako ay ang pinakamasakit sa lahat.Nakakalungkot lang dahil hindi ko man lang naenjoy yung mga panahong magkasama tayo..Hindi ko alam na ganon lang pala kabilis matatapos ang lahat...dadaan ka lang din pala sa buhay ko tapos aalis na...

Pero wala akong magagawa.Tapos na.Hindi na maibabalik pa yung dati.Kainis!Dahil lalo ko lang pinahirapan ang sarili ko.Uggh!Kung pwede ko lang ihinto ang pagtibok ng puso ko para sayo ginawa ko na.Makasama lang kita ng matagal.Kahit di mo na malaman yung tunay kong nararamdaman...

"Miss na miss na kita Sed..."

"Mas lalo ako...miss na miss na rin kita."

Bigla akong napalingon sa aking likuran ng marinig ko ang tinig mo.Nagbabakasakali na baka ikaw yung narinig ko.Ngunit nadismaya ako ng makita ko ang isang lalaki na kayakap ang isang babae habang sinasabi yung mga katagang iyon.Nakaramdam tuloy ako ng inggit at labis na pangungulila sayo.Buti pa sila.

Masyado na ata akong nagiisip tungkol sayo kaya nagkakaganito ako.

Saglit akong napailing sa aking sarili upang bumalik sa dating wisyo.Ngunit sa aking pagharap ay ikaw agad ang nakita ko.Pinikit kong muli ang aking mga mata sa kadahilanang iniisip lang kita.Kaya siguro madalas ikaw ang aking nakikita.Ngunit malinaw pa sa liwanag ng bwan.Papalapit ka sakin at nakangiting kumakaway.

Miss na miss na kita!

Hindi ko alam kung anong saya itong nararamdaman ko lalo na ng isigaw mo muli ang aking pangalan.Tila ba parang nagecho yun sa aking tenga at dumiretso sa aking puso dahilan para tumibok muli ito.Naririnig mo ba ang pagkabog nito?

"S-sed?A-anong ginagawa mo dito?"

Tanong ko na may halong pagkukunwaring galit na tono.Ayoko kasing malaman mo yung totoo.Na sabik akong makita ka.

"Parang hindi ka ata masaya na makita ako?"

Nakanguso mong sabi.Hindi ko na napigilan pang mangiti sayo non at bigla kang yakapin sa sobrang pagkamiss ko.Naramdaman kong nagulat ka sa ginawa ko pero hindi ko na lang iyon pinansin pa.Gusto ko munang lubusin ang pagkakataon na ito.Dahil minsan lang to.

"Miss na miss kaya kita.Pwede ba namang hindi kita mamiss?Eh..bestfriend kita?"

"So...panu yan!Wala ng space ha?Kasi ayoko ng magkalayo tayo...Hindi masaya kapag wala ka."

"Asus!Binobola mo lang ako eh!Mukhang mas masaya ka ata sa iba mong kaibigan kesa sakin kasi napapatawa ka nila."

Sambit ko habang akap ka parin.

"Hindi ah!Mas masaya ako kapag kasama kita."

Sabi mo sabay tawa.Nakisabay na rin akong nakitawa sayo non kahit wala namang nakakatawa.Baka makahalata ka kasi na ang laki ng epekto nung sinabi mo sa sistema ko.Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nagkaroon ng katahimikan sa ating dalwa..magkaakap lang tayo sa isatisa..Pero hindi kana ata makatiis kaya binasag mo ang katahimikan.

"uhm...Ritz..?"

"hmm?..."

"i...."

...
...
...
...
...
...
....
...
...
...
...
...
...

"I love you...."












flyingBUZZ©2015

#HI!

Hi?Natatandaan mo pa ba ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon