Pack of Wolves

5.2K 164 0
                                    


FLASHBACK:
Senior High School

"Jade, pahiram naman ako ng notes mo sa Bio, ang bilis naman kasi magdiscuss ni Ms. Castillo tapos tatlong chapters agad ang gusto nyang ipa exam"

Umupo ako sa tabi ni Jade na kasalukuyang kumakain ng TimTam nya. Sa lilim ng Acacia dito sa school quadrangle ang lagi naming tambayan tuwing break time. Si Jade Tanchingco, ang bestfriend ko, running First Honorable mentioned: makulit, sincere at smart. Sa sobrang talino nya, nagjump sya ng 2 years kaya naging magkabatch kami. Siya at ang pinsan nyang si Batchi ang lagi kong kasama. Pwera na lang kung may kalandiang babae si Batchi-- oo, out and proud 'tong bestfriend kong si Batchi, habulin ng girls dahil sa mga smooth moves nya. Hilig namin ni Jade na magshare sa isang earphone set habang nakikinig sa music. Kumokopya ako ng notes nya ng mapansin ko ang pagdaan ni Kathleen-- running Salutatorian at ang all time super girl crush ko. I removed my earphone and stared at her as she walks by and speak to some of our classmates. Oh that smile, I can't help but smile too.

"Hoy Althea, sayo na 'tong last TimTam ko"

sabay siko sa akin ni Jade.

"Kaya naman pala wala na akong kausap kasi nakita mo na naman si crushie"

"Ha? Anong sabi mo?"

para akong bumalik sa reality nung tumingin ako kay Jade. Para akong nasa ulap pag nakikita ko si Kathleen.

"Tsong walang mangyayari dyan kung tititigan mo lang. Sabi ko sayo pormahan mo na. Ako bahala sayo, magkasama kami sa choir, lakad kita"

sabay hampas ni Batchi sa braso ko.

"Alam nyo, wala kayong ginawa kundi bugbugin ako"

Tumayo ako at binitbit ang backpack ko.

"Cuz, anong nangyari dun ke Althea?"

"Batch, alam mo namang love strucked yung kaibigan natin at ayaw nya ng pinupush sya sa ganyang mga bagay"

"Hay naku, ang hina kasi nitong bata natin e"

kakamot kamot ng ulo si Batchi.
Nagmadali akong pumasok sa library. Gusto ko munang mapag isa. Alam kong kakantyawan na naman ako ni Batchi tungkol sa pagkatorpe ko kay Kathleen. Si Jade lang talaga ang sumusuporta sa lahat ng gusto ko, kaya nga bestfriend ko sya.

Who do you Love (A Rastro fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon