It's Time We Get It Straight

3.3K 130 25
                                    

"Wow, ang aga! Anong meron?"

pang aasar ni Batchi sakin

"Masama bang pumasok ng maaga? Saka lunch time na, tanghali narin"

"This is not your routine Althea. Saka walang meeting so you don't need to come early"

"My house feels empty, di ako makatulog ng maayos. It would be better kung papasok nalang ako ng maaga, that way di ko mamimiss si Miggy"

naupo ako sa chair ko at inopen ang computer

"Kamusta naman ang pamangkin ko kasama ang ina nya?"

nakangising tanong ni Batchi

"Tumigil ka nga. Baka may makarinig sayo, isipin na nag eexpect ako"

sita ko sa kanya sabay lingon sa paligid

"Bakit, hindi ba?"

tinignan ko sya

"I'm starting to get over her. Pinag aaralan ko na. I'm just thankful that she takes care of Miggy"

umiling lang si Batchi.

.
.
.

Today marks the 30th year anniversary of the company and we usually celebrate it bigtime. Ninong Oscar presided the meeting. Kasalukuyang nagpapahinga pa ang Papá dahil kalalabas lang ng ospital dahil sa altapresyon nya. Nilihim ko na wala sa puder ko ang aking anak dahil dadagdag pa ito sa mga isipin nya.

"Last year's report was way too impressive to be neglected. I never imagined that this brood will be as creative and enthusiastic to lift this company from our competitors"

I was attentive with what Ninong Oscar was saying

"At nararapat lang na ikaw, Althea, ang mamuno sa pag aayos ng anniversary party ng kompanya"

Napakunot ang noo ko at napatingin kay Ninong. Nakita ko na parang di maihi si Ahya ng inanounce ng Ninong ang kanyang desisyon

"President, I don't think you're making a right decision in picking Manager Guevarra as organizer of the anniversary. I mean, it's our anniversary. Malalaking mga tao ang involved dito na bibigyan natin ng appreciation"

kontra ni Ahya. Ibinaba ko ng bahagya ang paningin ko at itinikom ang aking bibig

"That is why I'm appointing Manager Guevarra. Most of the company's profit was under her team. Isn't it fair to give her the privilege to impress the investors, CEO Tanchingco?"

nararamdaman kong nagkakainitan na sa pagdidiskusyon ang mag ama kaya pumagitna na ako

"President, I don't think I'm worthy to lead the occasion"

tinitigan ako ni Ninong

"Are you trying to escape a responsibility that is assigned to you Manager? Kasi hindi ka naman mukhang unable para tumanggi"

Ninong wasn't convinced

"I don't want Papá to get upset na ako ang mamumuno sa occasion"

"Are you trying to say na kelangan pang kumbinsihin ang Papá mo? Althea, don't worry. Ang desisyon ko at desisyon nya dito sa kumpanya ay iisa. Malaki ang paniniwala ko sayo iha"

Who do you Love (A Rastro fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon