(Hey, still Batchi here)Isinugod namin si Althea sa ER. Agad na kumilos ang staff para maihiga sya sa stretcher. Kinausap ako ng resident doctor kung anong nangyari at nadiagnose sya ng Alcohol Intoxication. Kinabitan sya ng nasal cannula para sa oxygen at hinook sa monitor para makita ang vital signs nya. Nagkabit ng IV line at kumuha ng laboratory investigations.
Palakad lakad ako sa waiting area. Mabuti kasama ko si Abby, hindi ko na alam ang gagawin ko. Dumating si Tito Felix, humahangos. Sinalubong ko sya at nagmano
"Si Althea? Ano na balita sa kanya?"
"Tito, Alcohol Intoxication daw po. Wala pa rin syang malay. Iaakyat daw po sya sa ICU"
"Ano na naman kaya ang naisip ni Althea at naglasing"
iling ni Tito Felix.
Nasa ICU na si Althea. Responsive na sya pero groggy pa rin. Nag usap na sila ni Tito Felix at dahil hilo pa, di na nya pinilit magsalita tungkol sa nangyari sa kanya
"Batchi, kapag nasa wisyo na ang kaibigan mo, call me. I want to know every detail of her drunkeness"
"Yes tito"
Pauwi na si Tito Felix ng dumating si Jade at Bianca. Nagmano sila kay Tito Felix bago ito umalis. Naupo kami sa hallway
"Anong nangyari?"
tanong ni Jade
"Natagpuan nalang sya ni Marcus sa bar na nakabulagta at lasing na lasing"
"Ano?! May problema ba si Althea?"
tanong ni Bianca. Tumingin si Jade sa akin
"Nag usap naba sila ni Tommy?"
"I'm not sure Jade. Pero sa kinikilos ni Althea, there's something wrong. At sya lang ang makakasagot nyan pag nagising na sya"
JADE'S POV
Sinundo ko si Miggy at dinala sa bahay nila Batchi. Inexplain ko na nasa business trip si Althea kaya di nya nagawang magpaalam. Alam kong nag aalala si Miggy at hinahanap ang mommy nya kapag di nya ito nakakausap. Good thing he listens to me. Batchi and I decided na habang dipa nakakalabas ng hospital si Althea, sa bahay muna nila uuwi si Miggy para malibang dahil andyan si Marinelle. Syempre, bitbit namin ang bodyguards nya. I promised Miggy that I'll spend time with him habang wala ang mommy nya.
Nang makatulog na si Miggy at Marinelle, nagpaalam nako kay Abby. Babalik ako sa hospital para macheck si Althea. Si Batchi ay nakaupo sa hallway
"Batchi, kamusta? Ano na balita kay Althea?"
"Gising na sya cuz. Sabi ng doctor buti malakas ang katawan nya. Nasa boarderline sya sa alcohol level na muntik na mapunta sa coma. Pinakain ko na sya kanina pero wala pang gana"
"Nagkwento naba sya kung anong nangyari?"
"Di ko muna pinilit cuz, baka mabinat. Umiikot pa raw paningin nya"
JADE'S POV
48hours sya inobserbahan sa ICU at inilipat na sya sa suite room ng bumaba na ang mga laboratory results nya
"Si Miggy?"
tanong ni Althea
"Sa bahay muna sya umuuwi Althea. Si Abby na muna bahala sa kanya. Kasama nya si Gina at yung mga bodyguards, don't worry"
pagpapakalma ni Batchi
"Alam ba nya?"
alalang tanong ni Althea
BINABASA MO ANG
Who do you Love (A Rastro fanfic)
RomanceHere we are, you tell me I'm the only one who makes you feel loved. I realized, when you touch me its like nothing I have known, could I let you go?