Lost in Confusion

3.4K 150 24
                                    

Tulala akong pumasok sa opisina ko, kasunod si Batchi na nagsara ng pinto. Naupo ako sa swivel chair ko at pumikit. Oo, gusto kong makasama si Jade, kahit habangbuhay pa. Ngunit sa pagkakataong ito, alam kong purely business lang ang magiging usapan, walang kami.

"So, anong plan mo ngayon?"

tanong ni Batchi sabay upo sa gilid ng table ko. Napabuntong hininga lang ako.

"Di ko alam. Pwede ko ba kontrahin si Ahya? Sasabihin na naman nya napakareklamador ko"

Nabigla kami ng bumukas ang pinto--si Jade at wala talagang katok katok. Napatayo kami ni Batchi sa pagkakaupo na para bang pumasok ang opisyal ng hukbo at kami ang kawal. Nagcross arms sya samin

"Pick me up at 12 noon, don't be late. Ayokong maghabol sa boarding time"

Tumango lang ako na parang sunud sunuran sa amo

"Good"

at lumabas sya pagkatapos. Pagkasara ng pinto, tinapik ako ni Batchi

"Oy, wala na sya, tikas pahinga na"

sabay tawa nito. Tumahimik lang ako

"Tsong, anong nangyari sayo? Eto di kana sanay mabiro, napikon agad"

pansin nya. Tumingin ako sa kanya ng may kaba

"Althea, hey, are you alright?"

"Batchi, can you send me off to the airport tomorrow?"

"What's this Althea? Chance mo nato masolo si Jade. Don't tell me natotorpe ka"

I feel hesitant to tell her, di ko rin naman alam gagawin ko

"Kathleen is joining us in Taipei. Since sya ang President ng company, gusto ng dad nya na samahan nya ako sa business trip"

Batchi was astounded

"So, this leaves you with no choice but to go with the flow"

I sighed

xxx

"No matter what, never allow yourself inside the room with Kathleen alone, do you understand?"

bilin ni Batchi habang nasa loob kami ng van

"Copy that"

We're on our way sa unit ni Kathleen to pick her up. Kinakabahan ako kasi baka matagalan pang bumaba si Kathleen, matraffic pa naman ngayon at ayokong magalit si Jade dahil nalate ako. Kaya parang every 5minutes inaupdate ko si Kathleen kung asan na kami

"Hey man, stop calling her ano kaba. Feeling tuloy nya namimiss mo sya"

sita ni Batchi sakin

"Im just making sure na nasa lobby na sya, mabagal pa naman kumilos nun"

Narating namin ang unit ni Kathleen. Naghazard lang si Kuya Jerry sa harap ng lobby

"Remember, no eye contact"

bilin ni Batchi

"Got it"

at sabay kami nagsuot ng sunglasses na parang MIB. Bumaba kami ng van at sinundo si Kathleen sa lobby

"Hi Althea"

bati ni Kathleen at humalik ito sa pisngi ko. Nginitian ko lang sya

"Hi Batchi"

bumeso din sya kay Batchi. Kinuha namin ni Batchi ang mga maleta

"Mga ilang buwan ka dun sa Taipei at parang dala mo ang buong cabinet mo"

Who do you Love (A Rastro fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon