Ever Been Mine

4.5K 197 28
                                    


"I've been looking for you at pareho pang out of reach ang mga phones nyo"

Tumingin si Ahya ng may pagdududa sakin, mabuti at di kami naabutan sa ganung posisyon

"Hindi naman nakasilent yung phone ko Ahya"

Jade broke the silence as she checks her phone na nakapatong sa mesa.
I took my phone out of my pocket to check

"Wala akong signal, Ahya, Sorry"

Bumuntong hininga nalang si Ahya

"May urgent lunch meeting ako sa labas and I can't make it to my 1pm. Kayo na ang umattend doon"

mukhang nagmamadali si Ahya. May narinig kaming kumakatok--it's Batchi

"Great! Batchi, ikaw na mag orient sa kanila ng 1pm meeting ko ha, I have to go"

Tumango lang si Batchi at sinundan lang si Ahya ng tingin palabas ng pantry. Sinarado nya ang pinto at hinarap kami. Tumukod sya sa mesa

"Kayong dalawa, ang aga aga nyong magdate. Kala nyo hindi ko alam ha"

ngisi ni Batchi

"Anong ibig mong sabihin?"

kunot noo kong tanong habang si Jade naman ay nahuli kong nakasmile at nagbablush

"Sinadya nyong magstay dito sa pantry kasi walang signal dito 'no?"

wika ni Batchi. I threw her an uncertain look while Jade chuckled.
Nilingon ko si Jade

"You set me up, isn't it?"

Nagkibit balikat lang si Jade

"Ikaw na talaga ang breezy cuz! Mabuti kapa, marunong gumawa ng paraan"

kantyaw ni Batchi at nagtawanan kami

xxx

JADE'S POV

"Himala at nakalabas ka ng office mo. Lagi ka nalang may meeting a"

wika ni Bianca.
Andito kami sa isang coffee shop, few blocks away from the office para makabalik agad ako for my lunch meeting. Mineet ko si Bianca dahil nagtatampo na sya sa ilang beses kong pagcancel ng mga labas namin

"Bakit, pwede naman akong lumabas anytime ha"

"Simula ng maging VP ka, wala kana kayang time to go out and mingle. Kung hindi kasama yung Althea mo, di ka magna night life"

"Uy, lumalabas naman ako grabe ka. Nagkataon lang na tuwing mag aaya ka, kabi kabila ang meetings ko. Pwede naman kasi after office hours"

"Hi" bati ko sa barista

"Good morning Ma'am, may I take your orders?"

sagot ng barista

"Yes, one hot medium caramel coffee base, one hot medium cafe mocha and two cheese croissants please"

"Your name Ma'am"

as he picks our cups from the stack

"Jade"

and he wrote my name

"So, ano na?"

si Bianca

"Anong ano na?"

tanong ko habang naghihintay kami ng order namin sa gilid ng counter

"Anong standing ni Ops Manager?"

kumunot lang ang noo ko. Napansin ko na hindi inaalis ni Bianca ang mga mata nya sakin. Tumingin lang ako sa barista na gumagawa ng coffee namin. Naramdaman kong hinawakan ni Bianca ang kamay ko

Who do you Love (A Rastro fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon