Job Hunting

33 10 1
                                    

Amiya's POV

"Shinabells, ano may nakita ka na ba diyan?" Tanong ko dito sa katabi ko na hawak hawak pa din yung diyaryo na may nakalagay na Job Offering sa likod na page.

"Meron pero janitor 'yung position na available."

"Janitor? Oo, marangal na trabaho naman yan Shinabells pero sa tingin ko hindi kakayanin ng katawan natin yan. Wala na bang iba?"

"Hmm, teka titingin pa ko."

Nag la-lakad kasi kami ngayon ni Shina dito sa may Pedro Gil. Nag ba-baka sakali na may restaurant o shop na nag ha-hanap ng applicants.

"Amiyabells, wala na talaga eh. Huhu! Puro pang mabigat na trabaho yung meron. Meron akong nakita Accountant."

"Jusko, Shinabells! Accountant?! Gusto mo bang mamatay ako ng maaga? Huhuhu!"

"Waaah! Hi-hindi sa ganon Amiyabells! Pero kasi wala na talagang available na job opening dito sa diyaryo na to. Bwiset na diyaryo ka!" Sabi ni Shina sabay tapon sa diyaryo. Ay, nagalit si ati. Hahaha!

"Paano na lang si Papski ngayon? Huhu kailangan ko ng trabaho na kaya ko. Hindi naman kami pwedeng umasa na lang sa sari-sari store ni Momski kasi ang lalakas kumain nung dalawa kong halimaw na kuya na hangang ngayon pa side line side line lang din sa trabaho. Huhuhuhu."

"Keri natin 'to Amiyabells! Makakahanap rin tayo ng trabahong para satin!"

"Okay, sige! Kaya natin 'to! Fighting!!"

Nag lakad lakad pa kami hangang sa mapunta na kami sa may Vito Cruz. Jusmiyo ang layo ng nilakad namin pero wala pa rin kaming mahanap na opening.

"Shina, gutom na ko." bigla ko kasi narinig yung tiyan ko.

"Ako nga rin eh."

"Kain muna kaya tayo? Feeling ko naubos na 'yung energy ko kakalakad."

"Oo, ako din eh. Tara kain muna."

Habang nag la-lakad kami ni Shina papunta sa isang carinderya may nakita akong sign sa isang café malapit dito. 'HELP WANTED.' Kaya naman bigla akong tumakbo papunta dun sa café na 'yun.

"Hoooy, Amiyabells! Teka! Antayin mo ko!" sigaw ni Shina na tumatakbo na rin papunta sakin.

"Waaaaaah! Eto na talaga 'yun! This is it! This is really it!"

"Hoy, nababaliw ka na ba? Ano bang pinagsasabe mo diyan?" inikot ko yung ulo ni Shina papunta dun sa sign na may 'HELP WANTED' para makita niya kung ano 'yung sinasabi ko.

"Waaah! Eto naaaaa!! Woooh!"

"Tara na! Mag tanong na tayo sa loob!"

"Eh, kala ko ba kakain muna tayo?"

"Ano ka ba, Shina! Mamaya maunahan pa tayo ng iba! Mamaya na tayo kumain mag tanong muna tayo sa loob."

"Chige na ngaaaa!" sabi ni Shina.

Pag pasok namin sa loob amoy na amoy yung coffee beans na kakabrew lang. Tapos ang ganda ng lugar! Hindi kalakihan itong café na 'to pero ang cozy at ang cute ng interior.

"Ang ganda dito." bulong ko kay Shina na agad namang tumango.

Nakita ko si kuya guard ng café doon sa isang gilid kaya naman nilapitan ko.

*poke poke*

Tumingin sakin si kuya guard ng café.

"Hello, kuya! Mag ta-tanong lang sana kami about doon sa sign niyo sa pinto."

"Ah yong heylp wantid ba neng?"

"Po?"

"Yong heylp wantid?"

Medyo pinrocess ko muna sa utak ko kung ano 'yung sinasabi ni kuya sakin.

Processing....

Processing...

"Ah! Kuya yung help wanted ba yung sinasabi mo?"

"Oo, neng! Pambihira ka naman oh! Kanina ko pa sinasabi eh." napakamot na lang si kuya ng ulo.

"Hehehe! Sorry na kuya! Hindi ko kasi agad nagets yung heylp wantid. Akala ko kasi kung ano 'yon eh. Hehe ^^"

"O siya, gitawag ko lang si maniger para siya na mag kausap sainyo. Mag sitting preyti muna kayo diyan."

"Ah, he-hehe sige po kuya! I'll sit preyti lang here with Shinabells!" Natatawa ako kay kuya ang cute niya kahit na bisaya siya hahaha! Na aalala ko sakanya si Papski, para kasing magka-edad lang sila eh.

Ilang sandali pa biglang may lumapit na lalaki sa amin na naka suot ng blue polo, khaki pants at may nakalagay sa damit niya ng isang name plate na may nakalagay na 'Jonathan Store Manager'. Siguro siya na nga 'yung manager. *Tango tango*

"Good afternoon, what can I do for you?" sabi samin.

"Uhm, kasi po gusto lang po namin mag-tanong tungkol doon sa heylp wantid--ay este, help wanted po sa pinto." na ga-gaya tuloy ako kay kuya guard! Ay ambot!

"Ahh! Yes, nag ha-hanap kami ng baristas and servers para sa coffee shop na 'to. Bagong bukas lang kasi 'to, actually kahapon lang."

Nag ka-tinginan kami ni Shina. Alam na this!

"Gusto po sana namin mag-apply kung pwede pa po. Hehe."

"Pwede pa naman. Mga college students ba kayo?"

"Opo." sabay kami ni Shina sumagot.

"Paano yan? So part time lang kayo?"

"Parang ganun na nga po. Pero di-diresto naman po kami agad dito after class kasi malapit lang naman po ang school namin dito." sagot ni Shina.

"Hmm, okay sige. I'll hire you both pero promise me na kaya niyong mag trabaho habang nag-aaral."

"Waaah! Promise po!"

"Alright, both of you are hired."

**
A/N:

Papindot po uli ng vote hehe! Ang gaan lang ng feeling ko for this story. Read and vote guys!

Chinito Problems (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon