Pageant [Part 2]

13 2 1
                                    

Amiya's POV

Halos manginig-nginig 'yung tuhod ko kanina sa stage habang nagla-lakad ako. Iyong bibig ko parang namamanhid sa sobrang kaba na para bang hindi ko maramdaman 'yung dila ko pati na rin ang laway ko. Laking pasalamat ko talaga kay Lord that I survived the first part of this pageant. 3 more parts to go at tapos na.

Nakita ko sila Stella papasok dito sa backstage at dala dala 'yung evening gown ko na naka-hanger pa at may cover ng plastic na nakalagay Fab Gowns.

"Good job, Amiya girl!" salubong niya sakin at pinalibutan nila ko.

Nakaupo lang ako dahil nahirapan akong tumayo kasi di ko pa rin maramdaman iyong tuhod ko.

"Amiya, tara na. Tulungan ka na namin mag-ready para sa evening gown competition." sabi ni Anne sakin.

"Pwede tulungan niyo kong tumayo?" napatingin naman silang lahat sakin na halatang may pagtataka sa mga mukha nila.

"Bakit 'te? Anong nangyari sayo?"

"Eh kasi... Nanginginig 'yung tuhod ko."

"Sobrang kabado lang?" Stella.

"Ikaw kaya, try mo doon. Langya."

"Ganyan talaga pag loser." lumingon kami lahat sakanya na nakasuot ng black strapless long dress na may diamonds sa may tube part ng dress niya.

"Uminit bigla ulo ko." bulong ni Shina na halatang sumama 'yung aura niya ganun din si Stella.

"Pigilan niyo ko baka masapok ko 'tong frog na 'to."

"Pabayaan niyo siya." sabi ko. Wala naman din kasi kaming mapapala kung aawayin namin ang isang iyon. Hindi naman ako mananalo kapag sinagot sagot namin siya kaya mas mabuti sigurong mag-timpi na lang kami.

"Tara, mag-aayos na ko." sabi ko sabay tayo sa kinauupuan ko.

Sinamahan nila ako sa dressing room at tsaka ako nag-palit ng gown. Nilagyan din ako ni Stella ng diamond studded na hikaw para daw bagay sa gown ko. Isinuot ko na rin 'yung silver pumps ko na may taas lang naman na 4 inches. Good luck na lang sa akin mamaya at sana hindi ako lumpo lumpo at madapa habang rumarampa.

"Ang ganda mo, Amiyabells." nginitian ako ni Shina at ganun din ako sakanya.

"Sige na, girl. Lalabas na kami ah? Tinatawag na kasi 'yung contestant number 1. Balik kami ulit later for wardrobe change mo."

"Okay. Sige, sige."

Lumabas na silang lahat at naiwan ako dito kaya naman naupo na lang ako.

Isa isa na naglalabasan at bumabalik ang mga contestants na kasama ko. Si Sabrina na ang susunod.

"Ano ba 'yan, ganda ko." narinig kong sambit niya kaya naman napalingon ako sakanya.

Oo, maganda naman siya. Kung tutuusin eh mukhang siya ang mananalo ngayon. Ang sexy niya pa sa suot niyang black gown. Kitang kita 'yung curve ng body niya.

Narinig kong tinawag na siya ng hosts kaya naman lumabas na siya at rinig na rinig ko ang mga sigawan ng mga studyante.

Mukhang wala na talagang pag-asa, Amiya. Malakas ang hatak ni Sabrina sa mga audience, ano ba ang laban ko sakanya? Parang wala naman.

Nang makabalik na si Sabrina sa backstage, narinig kong tinawag na ang pangalan ko.

Lalabas na sana akong front stage pero may narinig ako. "I'll make sure you'll lose." Sabi niya sakin pero nilagpasan ko na lang siya at rumampa na palabas ng stage. Huminga ako ng malalim at ngumiti. Ganyan nga, Amiya. Pakita mong kaya mo.

Chinito Problems (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon