Training

41 8 5
                                    

Amiya's POV

"Mga kuyaaaaa! Aalis na ko!" patay nanaman ako kay Stella dahil late na ko.

"Hep! Hep! Saan ka pupunta?"

Lalabas na sana ako ng pinto kaso hinarang ako ni kuya Jasper.

"May lakad ako kasama sila Stella. Late na nga ko kuya eh!"

"At saan naman ang lakad niyo, aber?" pag-uusisa ni kuya Jayvee.

"Sa school lang kuya Jayvee."

"School? Eh di ba wala kang pasok pag Sabado?" si kuya Jasper.

Hay, ang daming tanong nila kuya! Ayaw pa ko paalisin!

"Wala nga, pero kasi kuya mag ta-training kami eh!"

"Training ng ano?" sabay pa sila.

"Bastaaaa!" ayoko sabihin kela kuya kasi panigurado aasarin ako ng mga 'yan.

"Ah, ganon? Edi sige, hindi ka makakalabas ng bahay hangga't di mo sinasabi samin kung anong training yan." ang sama talaga sakin ni kuya Jayvee! Huhu!

"Kuya naman ehhhh!"

"Sabihin mo na kasi!" pangungulit ni kuya Jayvee. Walanjo!

"Para sa pageant! Oh, ayan sinabi ko na!"

"PAGEANT?!" sabay pa sila at nagkatinginan pa.

Oo na, alam kong unbelievable na kasali ako sa isang pageant. Kaasar 'to sila kuya!

"Anong pageant yan, little sis?"

"Bro, feeling ko pageant ng mga buto 'yan." sabi ni kuya Jasper kay kuya Jayvee.

"Anong buto ka diyan! Ms. St. Knights kaya yung nasalihan ko!"

"PFFT! HAHAHAHAHAHAHA!" waw, tinawanan lang ako ng dalawa kong magaling na kuya.

"At anong nakakatawa doon, aber?"

"Pfft! Hahaha! Sigurado ka ba sa sinasabi mo, little sis?" tawa pa more kuya Jayvee!

"Baka naman niloloko mo lang kami ni Jayvee? Hahahahaha!" isa pa 'tong si kuya Jasper.

Kung pag untugin ko kaya 'yung ngalangala nila? Whatcha think?

"Mukha ba kong nag jo-joke mga kuya?" naka poker face na ko this time para naman isipin nila na seryoso talaga ako sa sinasabi ko.

"Oo BWAHAHAHAHAHA!" aba mga kupal talaga 'tong mga kuya ko! Wala man lang support?

"Che! Lalayas na ko! Susumbong ko kayo mamaya kela Momski! Mamaya kayo sakin!" sabi ko na palabas na ng pinto.

"Pfft hahahahaha! Okay, sige! Hahahaha!" sigaw ni kuya Jayvee.

"Ingat sa 'training' mo little sis! Pfft ahahaahahaha!" narinig kong sigaw ni kuya Jasper.

Mga baliw talaga 'yun! Wala man lang 'Wow! Ang galing mo naman little sis!' Wala eh! Pinagtawanan lang ako! At ang mas masaklap pa diyan, eh ayaw nilang maniwala sakin!

Eh di 'wag! Hmp!

At ano daw? Pageant ng mga buto? For their information, hindi ako buto buto, ang tawag diyan skinny! Che! Makasakay na nga ng jeep!

After 30 minutes, nakarating din ako sa school. Ang usapan namin nila Stella, sa may garden kami magkikita-kita.

Buti na lang may part dito sa garden na malalakaran lang walang mga harang at kung ano ano. Syempre may mga halaman pa rin, garden eh! Hehehe!

Chinito Problems (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon