Friends?

21 7 3
                                    

Amiya's POV

Nasa cafeteria kami ng school namin ngayon dahil sabi ni Wesley sumama daw kami sakanila.

"So..do you guys want something to eat?"

"Libre mo ba, Ash?"

"Para sayo Wesley, hindi."

"Ouch naman bro! Ganyan ka ba sakin?" umarte naman si Wesley na parang sumasakit ang puso niya. Medyo abnormal pala 'tong si Wesley noh?

"Kayo girls? Gusto niyo ba kumain?"

"Ang daya mo naman Ash!! Pag sa babae inaalok mong kumain pero pag sakin ayaw mo? Hang shaket!"

"Ano ka ba, dapat gentleman bro."

"Shina pangalan mo diba?" sabi nung lalaking nakabunggo kay Shinabells kanina. Kung hindi ako nagkakamali, ang pangalan niya ay Jiro.

"Shina nga. Ikaw si Jiro hindi ba?"

"Yup." sabi ko na eh! Ang galing ko talaga! Hehe. "Anong gusto mong kainin, Shina? Treat ko na para naman makabawi ako sa pag bungo ko sayo kanina." sabi ni Jiro kay Shinabells.

"Ha? Ah...eh, hindi naman kailangan. Nakakahiya naman! Isa pa, hindi mo naman sadya yung nangyari."

"I won't take no as an answer."

"Ah, ganun ba? Osige na nga." tumayo na silang dalawa at pumunta sa mga stalls dito sa canteen para pumili ng pagkain.

"Tara na, Ash! Gutom na rin ako eh!" umalis na rin si Wesley at Asher. Naiwan na lang kaming dalawa ni Zach dito.

"Uhm....Ano...sunod na ko sakanila ah? Gutom na rin kas--" nagulat ako kasi bigla na lang siyang tumayo at hinila yung kamay ko. Papunta kami doon sa may tinda na siomai rice.

"What do you want to eat?" sabi niya sakin habang tinitignan yung nakasabit na menu card doon sa stante ng food stall.

"Siomai rice na lang 'yung may toasted garlic at toyomansi! Waaaah ang sarap nagugutom na ko!" paborito ko kasi yan dito. Sosyalin itong school namin pero buti na lang meron akong makakain dito na keri ng budget ko. 120 lang kasi ang baon ko sa isang araw, 20 pesos napupunta agad sa pamasahe ko papunta ng school at pauwi samin. Yung 100 naman eh napupunta sa lunch at minsan sa mga papel kagaya ng pag print at pag xerox minsan ng mga handouts. Mabuti na lang talaga 80 pesos ang pinakamura dito, ayun na nga yung siomai rice na sinasabi ko.

"2 siomai rice please." sabi ni Zach kay manong Baldo. Kilala ko na 'yung may ari nitong food stall kasi madalas ako bumibili dito.

"Mang Baldoooooo! Yuhooo! Si Amiya to!" sabi ko with matching kaway kaway pa ng aking kamay. Paano ba naman kasi nahaharangan ako nitong si Zach, biruin niyo ang tangkad pala nitong lalakeng to.

"Oh, Amiya, nariyan ka pala eh. Hali ka dine."

"Mang Baldo, mukhang malakas benta mo ngayon ha? Ilang siomai rice na po ba ang nabenta niyo at ganyan kayo kasaya ngayon?" ito kasing si Mang Baldo ang saya saya niya ngayon, ewan ko kung bakit pangiti-ngiti siya diyan. Nabuhusan siguro ng toyo sa ulo? Hehehe joke lang!

"Hay nako, alam mo ba, anniversary kasi namin ng misis ko ngayon. At ako'y natutuwa lamang dahil marami rami na ang nabebenta ko ngayon. Ibibili ko kasi siya ng regalo."

"Talaga ho? Ano namang ibibili niyo sakanya?" Pati ako natuwa ako sa sinabi ni Mang Baldo. Ang sweet kasi! Nakakakilig naman sila!

"Ayun nga ang problema ko, hindi ko kasi alam kung ano ang pwedeng maibigay sakanya."

"Ano po ba ang gusto ng misis niyo?"

"Simple lang kasi siya. Sa simpleng bagay ngumingiti na siya agad, ayaw niya ng magagarbong regalo kasi ang sabi niya sa akin nuon, huwag daw akong gumastos ng malaki para lang sa mamahaling bagay, dapat daw sa mga masasayang alaala ako mag tuon ng pansin."

"Aren't you done yet?"

"Omg! Andiyan ka pa pala Zach? Hehe nako sorry! Nalimutan ko tuloy. Ah, Mang Baldo pasensya na po gutom na kasi itong kasama ko eh hehehe."

"Boypren mo ba siya, hija?"

"Ano po?! Boyfriend po? Nako! Nako! Hindi po!" Tumingin siya mula sakin papunta kay Zach.

"Hijo, kung ikaw ang tatanungin ko, ano sa tingin mo ang magandang regalo para sa asawa ko?"

"Try giving her a letter, a handwritten letter. Giving her material things won't let you express all the things that you want to say, but giving her a letter would let her know how much you love her." napatingin ako sakanya. Ang lalim naman ng sinabi nitong lalakeng to. Para bang may pinanghuhugutan? I-hahashtag ko na ba ang hashtag of the day? #HUGOAT

"Magandang ideya yan, hijo! Nako, panigurado matutuwa 'yun!"

"At dahil natuwa ka sa suggestion nitong kasama ko, baka po pwedeng padagdag ng toasted garlic? Hehehe!"

"Hahaha! Ikaw talaga, Amiya! Oo naman!"

"Salamat po! Happy Anniversary po ulit sainyo Mang Baldo!"

"Salamat, Amiya! Oh siya, sige na't kumain na kayo, mukhang nagugutom na 'yang kasama mo."

Bumalik na ulit kami ni Zach sa lamesa. Mukhang kami na lang ang hinihintay nila.

"Yo, Amiya!" Kumaway si Asher at sumenyas na umupo ako sa tabi niya.

Naupo naman si Zach sa tabi ko.

"Hello, hehe pasensya na kayo medyo natagalan kami sa pagbili ng pagkain."

"Anong binili ninyo?" pag uusisa ni Wesley sa dala-dala naming styro.

"Siomai rice."

"Pffft! Zach, siomai rice? Ahahahaha!"

"What's so funny?"

"Ahahahaha! Hindi ka pa ba nagsasawa sa siomai?"

"Waaah! Mahilig ka rin sa siomai?" tanong ko sakanya.

"Pfft! Hindi lang siya mahilig, sobrang hilig kamo!" Mukhang magkakasundo kami ah. Sobrang hilig ko kasi sa siomai kayang kaya ko kumain na benteng piraso nun ng isang upuan lang!

"Magugustuhan mo 'yang siomai nila Mang Baldo! Lalo na pag may kasamang toasted garlic at toyomansi."

"Looks like mabilis pala tayong magkakasundo lahat ah?" sabi ni Jiro.

"Alam na this!" sabi ni Wesley na pataas taas pa yung mga kilay niya.

"Starting today, friends na tayo, okay?" sabi ni Asher saming dalawa ni Shina.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Shina, "okay!" sabay kami at nag thumbs up pa.

Magaan ang pakiramdam ko sa mga lalaking 'to.

Siguro natutuwa lang ako dahil first time kong magkaroon ng kaibigang lalaki. Kahit naman may dalawa akong higanteng kuya sa bahay, iba pa rin siguro 'yung pakiramdam na magkaroon ng mga kaibigan lalaki.

Hindi naman siguro masama kung kikilalanin namin sila bilang kaibigan hindi ba?

Gusto ko rin kasi maranasan 'yung sinasabi ng iba na 'guy bestfriend' o 'yung tinatawag na 'squad goals'.

Hindi naman ako nag a-assume na magiging solid friends kaming lahat, pero hindi naman siguro masamang mangarap di ba? Tsaka kung mangyayari man 'yun, ang saya kasi may maipo-post na ko sa facebook kong picture naming magkakaibigan tapos gagamitan ko ng hashtag squad goals. Hahahaha!

Chinito Problems (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon