Kayo?!

42 9 5
                                    

Amiya's POV

"OMG!! Narinig niyo ba na dadating daw 'yung mga taga Kingston University?"

"Sino doon? Ang ga-gwapo kaya ng mga taga Kingston!!"

"Sila Zachary!"

"Shut. Up. Hindi nga? Totoo ba 'yan?!"

"Totoo! Oh my gosh! I can't believe it! Pati sila Jiro, Wesley and Asher kasama!"

"Eeeeeeeep! Seriously? They're like the real deal! Shet. Ang gwapo pa naman nila!"

"Oo! Para silang F4 ng Kingston!"

"Sinabi mo pa!"

Anong meron? Bakit nag ti-tilian mga babae dito? At ang aga aga nag chi-chismisan na.

Hindi naman ako mahilig makinig ng usapan ng iba, pero ang lakas kasi ng mga boses nitong mga 'to eh. Tsaka sino nga daw 'yung dadating? May mga binangit silang mga pangalan eh pati sabi nila F4 daw.

Oh my gosh.

Hindi kaya sila Dao Ming Su ang dadating? Waaaaah! Eh peyborit ko 'yun eh! Ang gwapo kaya 'nun!

Tumakbo agad ako papuntang classroom kasi kailangan 'to malaman ni Shina! Nako, paborito kaya niya si Hua Ze Lei o sa mas alam ng lahat na si Wachi Lei! Waaaah! Matutuwa 'yun!

"Shinaaaaaa!!"

"Oh, Amiya anong nangyayari sayo? Bakit ka tumatakbo?"

"Kasi dadating daw 'yung F4 dito! 'Yung cast ng Meteor Garden!" sabi ko habang hinihingal ako.

"Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo Amiya?"

"Oo nga! Ano ka ba, narinig ko kanina doon sa mga babae sa labas sabi nila F4 daw eh!"

"Ano pang hinihintay natin? Gumawa na tayo ng poster para pag dating nila iwa-wagayway natin!"

"May point ka diyan Shinabells! Hulaan ko, si Wachi Lei ang lalagay mo sa poster mo noh?"

"Alam mo yan 'teh! Sayo naman si Dao Ming Su noh?"

"Syempre! Sino pa ba diba?"

Nag simula na kaming gumawa ng poster namin. 'Yung akin nag sulat ako ng malaking Dao Ming Su at may drawing na heart sa gilid tapos 'yung kay Shina naman Wachi Lei ang nakasulat.

"Amiya, saan daw ba papasok 'yung F4? Sa lobby daw ba? Para doon na lang tayo mag-abang."

"Hmm, hindi ko narinig eh. Baka doon nga sila papasok? Mag-hintay na lang tayo doon."

"Sige. Tara!"

Nag-aantay kami ni Shina dito sa lobby. Medyo madaming mga babae dito na kasama naming nag-aabang.

"Tignan mo 'yung dalawang babae, may dala dala pang mga poster oh?" narinig kong sabi nitong katabi ko.

"Oo nga eh, tsaka bakit Dao Ming Su at Wachi Lei ang nakalagay sa posters nila?" sabi nung kasama nitong katabi kong babae.

"Ewan ko nga eh, baka akala nila yung F4 ng Meteor Garden 'yung mga dadating?"

"Siguro nga. Ang weird naman."

Eh? Teka. Hindi ba mga cast ng Meteor Garden 'yung dadating?

"Pssst, Shina. Bakit tayo lang may dala-dalang poster?"

"Pansin ko nga din eh. Hindi ba sila fan ng F4?"

"Ewan ko lang, eh kasi kanina tuwang tuwa 'yung mga babaeng narinig ko sa hallway eh."

"ANJAN NA SILAAAAAAAAA!!!" sigaw nung nasa harap kong babae.

"Kyaaaaaaahhh!! Ang gwapooooo!"

"Shina, hindi ko makita! Andiyan ba si Dao Ming Su? Ang tatangkad ng mga nasa harap eh!" sabi ko na medyo tumatalon talon pa kasi hindi ko talaga makita.

Chinito Problems (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon