Weirdo + Freak = Me?

25 7 3
                                    

Amiya's POV

Kamusta naman boses ko pagkatapos kong bumirit birit 'nung isang gabi sa karaoke.

Pero grabe lang! Bukas na pala 'yung pageant! Isa lang masasabi ko. SHET. Nakapag practice naman ako at sa tingin ko medyo okay naman. Oo, medyo lang kasi mahirap maging kampante sa sarili.

Hanggang sa coffee shop nga kumakanta ako habang gumagawa ng kape. Syempre medyo shy ang peg ko at mahina lang akong kumakanta. Tinitignan ko kasi kung kabisado ko na ba iyong lyrics ng kakantahin ko bukas.

"Amiya," tinawag ako ni ma'am 'yung class adviser namin.

"Po?" lumapit naman ako sakanya.

"May changes kasi bukas sa pageant, remember I told you na may swimwear competition? They cancelled it na." Ay jusko, buti naman! Salamat, Lord! Nako, hindi ko kering mag bikini 'no! Sabi ko pa nga nuon kay Stella na mag su-suot na lang ako ng rashguard at board shorts pag tuloy 'yung swimwear competition na iyan. Buti na lang wala na! Woooooh!

Napahinga ako ng maluwag, "Mabuti naman po, ma'am kung ganon. Hehehe!" todo ngiti naman ako kasi nga happy happy ang lola niyo.

"Are you ready na for tomorrow?" tanong ni ma'am.

"Ahh hehehe, siguro po? Hindi ko rin po kasi alam eh. Bahala na po bukas." sagot ko.

"I believe in you, Ms. Reyes. The whole class is there to support you kaya kayang kaya mo iyan." Sana nga po ma'am. Sana makayanan ko kung hindi bye bye dignidad!

"Hehe salamat po." sabi ko at umalis na si ma'am. Syempre ako rin umalis na.

Hindi ko nga makita 'yung dalawang babaeng iyon eh. Ewan ko bakit hindi ako pinuntahan sa classroom. Free period kasi eh. Sabi 'nung dalawa may gagawin lang daw sila saglit at babalikan daw nila ako. Eh jusko, isang oras na wala pa rin sila!

Saan naman kaya ako pupunta? Mag lalakad lakad na lang siguro muna ako sa field para makalanghap naman ako ng fresh air.

Busy na kasi sa school ngayon. Madaming nag se-set up para sa fundraising event bukas. Actually, hindi ko nga alam paano magiging fundraising event 'yung pageant na iyan eh kasi diba ang mananalo daw eh may premyo pang mauuwi. Nalimutan ko kasing itanong kay ma'am kanina. Aish! Bahala na.

Ang sarap talaga dito sa field. Tanaw na tanaw mo 'yung buong school. Medyo mahangin at maaraw kaya umupo na lang ako dito sa ilalim ng malaking puno para hindi ako mangitim. Kawawa naman ako bukas pag nangyari iyon.

Baka ganito 'yung scene na mangyari.

Imagination:

'Last but not the least, Ms. Amiya Kenzie NogNog Reyes!' sabi nung emcee sa mic.

Syempre ako lalabas naman ako galing backstage at sunog sunog ang balat ko tapos with matching pabebe wave at rampa rampa with my oh-so sunog legs dahil kay mr.sun!

End of Imagination

Hahahaha! Natatawa ako ngayon sa mga naiisip ko! Oo, mababaw lang pero bakit ba? Eh sa natatawa ako eh! Hahahaha!

"Tss, freak." may narinig akong nag salita.

Feeling ko na sobrahan ata ako sa pag imagine. Hahahaha! Ano ba iyan, Amiya!

"What a weirdo." narinig ko nanaman na may nag salita. Lumingon lingon ako para hanapin kung saan galing 'yung boses. Baka kasi nag ha-hallucinate na pala ako.

Pag tingin ko sa may right side ko nakita ko siyang nakatayo.

"What are you laughing about, uh?" tanong niya sakin. Sigurado akong nakita niyang tumatawa tawa ako mag-isa dito.

Chinito Problems (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon