Jeep

44 9 4
                                    

Amiya's POV

Ano ba naman 'yan?! Ang tagal naman mag uwian! Uwing uwi na ko eh! Huhuhu.

Tinignan ko 'yung wrist watch ko na binili ko sa divisoria, 5:20pm. Shemay 20 minutes pa! Waaah gusto ko ng umuwi mag cocommute pa naman ako.

"Shinabells, sabay ba tayong uuwi ngayon?" tanong ko sa katabi kong si Shina. Pansin ko din na uwing uwi na siya. Paano ba naman kasi kami hindi tatamarin kung ganito 'yung ginagawa namin sa class na to? Puro discussion! Eh dapat hands on dito dahil housekeeping ang class namin na 'to!

"Oo. Grabe ang tagal ng oras. Uwing uwi na ko Amiyabells." Sabi sainyo uwing uwi na 'tong katabi ko eh. Halos lahat nga kami dito uwing uwi na.

Habang nag-aantay ako mag dismissal mag papakilala muna ako sainyo! Hehehe.

Ako nga pala si Amiya Kenzie Reyes, 18 years old, from the beautiful city of Manila! Third year college student sa St. Knights Academy, scholar po ako dito dahil mahirap lang kami. Ang tinitake ko na course ay Hospitality Management. Actually, isang hotel school ang St. Knights Academy at may sarili itong hotel na katabi lang ng school mismo. Pang mayaman diba? Hehehe!

"Miss Reyes!"

"Ay kalabaw!" napatayo ako bigla dahil sa lakas ng boses nung professor namin. Lahat tuloy ng mga kaklase ko nakatingin lang sakin. Nakakahiya!

"Si-sir? Bakit po?" tanong ko kasi nakatingin lang siya sakin.

"Are you listening to my discussion?" Hinde. Kasi ang boring boring po ng tinuturo niyo kaya napag isipan kong mag introduce na lang ako sa readers ni miss author. Diba miss author?

A/N: Pasingit lang po saglit ha. Huy, Amiya! Makinig ka diyan kung ayaw mong lamunin ka niya ng buhay! Pambihira naman oh pati ako dinamay mo. Busy ako mag type dito eh!

"Ah, so-sorry sir hehehe." 'Yan na lang ang nasabi ko para tumigil na si sir. Si miss author kasi nilaglag ako huhuhu why you do that to me?

"For the sake of Miss Reyes, uulitin ko ang sinabi ko kanina." Nakita kong tumingin sakin si sir pati na din iyong mga classmates ko. Ano nanaman bang ginawa ko nakikinig na nga eh! *pout*

"Sa next meeting, hands on na tayo dahil ang topic natin ay bed making kaya I want you guys to come in class wearing white polo shirt, black slacks and flat shoes for the girls. Sa guys naman, black shoes will do."

"Miss Suarez, ilang taon ka na?" tanong ni sir kay Shinabells. Nagulat naman si Shina sa tinanong ni sir. Ano ba naman kasing connect nun sa sinasabi niya kanina diba? -_-

"Ahm, 17 pa lang po." Sabi ni Shina.

"Nako, 17 pa lang! Hindi pa pwede." Eh? Ano daw? Nag tinginan kami ni Shina dahil sa sinabi ni sir. Ano bang pinagsasabi ng prof naming baliw?!

Kung naisip niyo bakit ang bata ni Shina para sa isang third year college na student, ang dahilan niyan ay accelerated kasi siya. Tri sem din kasi 'tong school namin kaya mabilis ang phasing dito. Isa pa matalino rin kasi 'yang si Shinabells eh. Scholar din siya kagaya ko dahil parehas kaming may
brains pero walang pera kaya ayun.

"How about you Miss Reyes?" bakit ba nag tatanong si sir kung ilang taon na kami? Tsimoso din 'tong prof namin.

"18 na po."

"Pwede na! Gusto mo bang turuan kita sa kama?" EH? TAMA BA IYONG NARINIG KO?! ABA! BASTOS TO AH!

"Sorry sir, pero ano po bang pinagsasabe ninyo? Naku! Kayo talaga ayaw ko pa naman po sa manyakis! Lilipat na po ako sa kabilang section nakakatakot naman dito!" Pagkasabi ko nun, biglang tumawa si sir. Anong nakakatawa? Hindi lang pala manyakis tong prof ko, abnoy din pala.

Chinito Problems (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon