We meet again

33 8 3
                                    

Amiya's POV

Lumilipad 'yung utak ko ngayon dahil inaantok na ko. Ang tagal kasi matapos nitong class ko ngayon eh. Antok pa din ako kasi medyo late na kami nakauwi ni Shina kahapon sa job hunting namin. Buti pumayag si sir Jonathan na bukas na lang kami mag start sa café.

"Okay, class dismissed." Tumayo agad ako at niligpit 'yung mga gamit ko.

Nakita kong lumapit agad sakin si Shina. "Amiyabells!" sigaw niya.

"Amiyabells is the name. Bakit Shinabells?"

"Hindi kasi ako makakasabay sayo umuwi ngayon eh."

*pout*

"Ba't naman?"

"Eh kasi dadaan muna ako sa National Bookstore, kailangan ko na kasi bumili ng yellow pad. Nakakahiya naman kasi kay Stella eh. Lagi na lang siya 'yung nag bibigay sakin ng yellow pad tuwing kailangan ko."

"Ganun ba? Sige, okay lang. Samahan kita gusto mo?"

"Nako, wag na Amiya! Kaya ko naman hehe tsaka para maaga ka rin makauwi mamaya madilim na tapos lalakarin mo pa papunta sainyo."

"Hmm, sige. Sure ka ha?"

"Oo! Hehe! Sige na Amiyabells, una ka na!"

"Sige! Bye! Ingat ka pauwi mamaya!"

"Bye! Ingat ka rin!"

--

Buti nakasakay ako agad ng jeep ngayon. Medyo maluwag pa nga eh kaya hindi ko na pinalagpas at sumakay na ko agad.

Maya maya, may biglang sumakay na pamilyar yung mukha.

Alam kong nakita ko na siya dati eh. Hindi ko siya kilala pero kilala ko talaga 'yung mukha nitong lalaking ito eh.

Teka.

Shocks.

Siya ba 'yan?

Hala, oo! Siya nga yun! Si chinitong pogi! Yung nakasakay namin ni Shina sa jeep nung isang gabi na pauwi kami!

Eto na ba ang sinasabi nilang destiny? Char char lang! Feeling mo naman Amiya! Maka bayad na nga lang.

Kinuha ko 'yung coin purse ko sa bag, nung pag tingin ko sa coin purse ko tumigil 'yung puso ko.

Sheteng kalabaw. Wala akong pera. Benchingko na lang 'yung andito. Huwaaaa! Bakit ito na lang pera ko?

Ahh alam ko na! Bumili kasi ako kanina ng ballpen kasi itong classmate ko hiniram 'yung ballpen ko tapos hindi na binalik. Huhu! Eh yung binili kong ballpen kanina na alala ko 9.75 yun isa! Halaaaa huhuhu kaya pala 25 cents na lang natira sa pera ko.

Napayuko na lang ako. Huhu, Lord, sorry po talaga. Hindi ako makakabayad ng pamasahe kasi wala na talaga akong pera. Kita Niyo naman po siguro na 25 cents na lang pera ko, baka pa babain ako ng driver pag ito 'yung inabot ko. Sorry po huhu pramis po hindi na mauulit. Sadyang wala lang talaga ngayon.

Pag angat ko ng ulo ko nakita ko yung placard ni kuya na nakalagay sa jeep. 'GOD KNOWS HUDAS NOT PAY'

WAAAAAAAAH!! Huhuhuhu eh pano yan waley na talaga akong pang pay! Huhuhu!

"Bayad po, dalawa." sabi nung singkit na pogi sa harap ko. Pake ko ba diyan, kailangan ko muna isipin pano ako makakabayad. Ayoko maging hudas dahil hindi ako naka pay. Huhu!

"Hey."

Nag salita yung pogi. Hindi ko alam sino kinakausap niya kaya naman lumingon lingon ako.

"Excuse me, ate. Kayo ata kinakausap niya." sabi ko sabay turo dun kay singkit.

"Ay miss hindi ko nga kilala yan eh." ay, sungit ni ate nag ta-tanong lang eh. *pout*

Ahhh, baka itong si kuya na katabi ko sa kanan 'yung tinatawag. Tama! Tama!

"Uhm, kuya kayo po ata tinatawag niya." sabi ko at tinuro ko ulit si singkit.

"Ano kala mo sakin bading? Hindi ako noh!" ay, defensive si kuya! Wala naman akong sinabing bading siya ah.

"Tss, I'm talking to you." sabi nanaman nitong katapat ko. Ako daw? Eh?

"Ako ba?" tinuro ko pa yung sarili ko para sure.

"Yes, you."

"Ah, eh, sorry ha. Sabi kasi nila momski at papski na don't talk to strangers eh." sabi ko sakanya at tumingin na lang sa may bintana.

"I saw you looking at your purse a while ago and I already paid for your fare."

Eh? Paid for my fare? Ibig sabihin binayaran na niya 'yung pamasahe ko?

Humarap ako ulit sakanya, "totoo ba? Binayaran mo na 'yung pamasahe ko?" tumango lang siya.

"Waah! Thank you! Babayaran na lang kita kapag sumakay ka ng jeep ulit ang nagkita tayo."

"Tss. No need."

"Sure ka? Okay lang naman na bayaran ko eh, sadyang wala lang talagang natira sa baon ko ngayon."

"No need." sabi niya ulit. Kaya naman tumahimik na lang ako baka kasi magalit na sakin eh.

Nung malapit na kami sa Divisoria, tumayo na siya at tumingin sakin. "I'll collect my payment next time." Sabi niya at bumaba na ng jeep.

Hindi ako nakagalaw. Next time? So may next time pa?

Biglang bumilis 'yung tibok ng puso ko.

Hindi ko alam bakit ganun eh. Halaaaa, baka may sakit na ko sa puso! Huhuhu!

**
A/N:
Hi! Hahaha ayaaaan, nag kita ulit sila! Anong pangalan ni kuyang singkit? Abangan sa susunod pang chapters! Paki pindot ulit si vote button. Thank you! :)

Chinito Problems (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon