Meet the boys

25 7 4
                                    

Amiya's POV

"Hi, girls!" sinalubong kami ni Stella ng napakalawak na ngiti.

She's grinning from ear to ear. Anong ganap nito sa buhay at ganyan siya kasaya ngayon?

"Hoy, bakit ang saya mo?" sabi ni Shina dito sa loka lokang babaitang ito.

Napansin rin pala niya.

"I heard something's going on with the both of you and those boys!" pag pasensyahan niyo na, englishera talaga yan.

"Anong boys?"

"Amiya girl, boys, like lalake?" may sapak na talaga sa ulo 'tong si Stella.

"Alam ko ibig sabihin ng boys, baliw! I mean sinong boys?"

"Boys from the Kingston University! Yieeeeeeeeee!!" aba't talagang may kasamang tili pa at patalon talon pa siya ha.

"I-kalma mo nga 'yang hormones mo at baka mapalabas tayo dito sa library niyan. Walanjo!"

Pasalamat kami andito kami naka pwesto sa may pinakalikod ng library kaya medyo hindi kami nakikita ng librarian. Kung hindi, good bye na lang sa amin at mapapagalitan kami.

Makatili naman kasi 'to wagas eh?

"Soooo, what's the catch?" paninimula nanaman ni Stella habang nakapangalumbaba sa lamesa.

"Anong catch ka diyan? Wala kaming nahuling isda. Ikaw, masyado kang masaya, noh? Ilang milyon ba 'yang napanalunan mo? Share mo naman samin ni Shinabells."

"Hay nako, Amiya girl! I don't even need to join any lottery, you know that." sabi niya sabay wink.

Oo na, siya na. Siya na mayaman! Daddy kasi ni Stella may-ari ng isang telecommunication company dito sa Pinas. Kaya minsan pag wala kaming load nitong si Shina, bigla na lang kaming makakatanggap ng text na may 100 pesos load kami. Kanino galing? 'Wag niyo na alamin.

"So, ano nga? Nawala lang ako kahapon may boylets na kayo agad? Iba talaga ang charm ng mga best friends ko!"

"ANONG BOYLETS?!" sabay pa kami ni Shina.

"Shhhhhh!" nasaway tuloy kami nung librarian. -_-

"Keep it down, girls. I heard kasi from the other girls, na yesterday those four boys daw inaya kayo to have lunch with them. And, nako, you can't believe this."

"Huh?" sabay nanaman kami ni Shina.

"Ang daming naiinis sainyo because of what happened yesterday. More like mga inggiterang froglets! My gosh, hindi kasi sila kasing ganda ng mga best friends ko that's why they're like that." sabi ni Stella sabay irap.

"Grabe, girls, may haters na kayo agad just because of the F4! They're so low naman. I mean, given the fact na those boys are really damn hot! Plus, they're like super rich and gwapo! And--"

"HATERS?!" sabay nanaman kami ni Shina.

Actually, andito po kayo ngayon sa sabayang pagbikas ni Shina at Amiya. Eh paano ba naman, lagi kaming nagsasabay.

"Excuse me, the three of you at the back, could you please tone down your voices?"

"Sorry po, ma'am."

"Whew. Wag na tayong magingay jusko palalabasin tayo nito eh." sabi ni Shina.

"Anyway, does any one of you knows their backgrounds?"

Chinito Problems (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon