Let's get it on!

19 7 1
                                    

Amiya's POV

Ang aga aga nabubulabog na agad ang katawang lupa ko dahil sa mga pinapagawa sakin ng dalawang ito.

"Ano na, girl? Sasayaw ka ba or what?"

"Pwedeng or na lang?" Paano ba naman kasi eh free period namin ngayon pero nag papractice ako ng gagawin ko para sa talent portion ng pageant na 'yan.

One week na lang kasi pageant na. Tapos ako nganga pa rin wala pa rin akong naisip na gagawin. Nahihiya kasi ako dahil hindi nga ako sanay sa mga ganitong pangyayari.

"Seryoso na kasi, Amiyabells!" ay seryoso na ba? Akala ko kasi joke time pa din eh. Pinapasayaw ba naman ako ng twerk it like Miley?

"From the top nga, girl! My gosh, ang beauty ko ha stress na stress na because of you." sabi ni Stella na mukhang naiinis na sa akin kasi kanina pa kami paulit ulit dito.

Start twerking like Miley! Go, Amiya! Sayaw pa more nang pag tawanan ka ng mga tao dito sa school. Goodbye, dignity! Goodbye, shame! Huhuhu!

Napatigil akong sumayaw nung biglang nawala 'yung music.

"Oops! Natanggal pala?" Lumingon ako at nakita ko ang isa sa mga contestant sa pageant. Si Sabrina kasama pa mga alipores niya.

"Parang sinasadya mo naman ata, Sabrina?" sabi ni Shina habang nakatingin pa din kay Sabrina. Aba, ang tapang sumasagot na siya kay Sabrina. Woooh! Bigyan ng jacket 'yan para may ipangpulupot siya diyan sa leeg ni Sabrina. Buset!

"Grabe, Sab! Sinasagot sagot ka na niyang Shina na iyan oh! Who does she think she is?" sabi nung isang kasama ni Sabrina.

"Kaya nga eh, porket feeling close na kasi siya kay Jiro feeling niya ang ganda ganda niya na para sagot sagutin ako."

"You know what, kung wala naman din kayong magandang sasabihin, why don't you just run along and shut your big mouth up, uh? Hindi iyong guguluhin niyo kami! Frog!" ayan na, galit na si Stella.

Masamang ginagalit iyan babaeng iyan. Dyosa o goddess ang turing sakanya ng iba lalo na ang mga boys pero wag kayo, pag siya nagalit prepare yourselves dahil daig pa niya autobot kung mag transform into a monster.

"Frog? Are you calling me a frog?" natatawa tawang sabi ni Sabrina.

"May iba pa ba akong tinutukoy dito? Sayo lang naman ako nakatingin, girl!" sagot ni Stella kaya naman biglang sumalubong 'yung dalawang kilay ni Sabrina.

Oh, no. I smell trouble. Actually, amoy adobo nga eh. Na aamoy ko na 'yung pagkain na pinabaon sakin ni Momski hehe! Gutom na ko!

"You, bitch! Alam kong play girl ka at madami ka ng pinaiyak na lalake pero don't you ever call me a frog! Tignan lang natin sa pageant kung sino ang mananalo!" Nako, wrong move! Wag na wag niyong tatawaging play girl si Stella.

Lumapit si Stella kay Sabrina at magka eye to eye sila ngayon.

"Hindi mo kilala kung sino ang binabangga mo. Don't you ever call me that again, kasalanan ko bang maganda ako at nagkakandarapa mga boys sakin? Sakanila ka magalit wag sakin."

Sense na sense ko ang black aura na dala dala ni Stella. Iba talaga 'tong magalit. Buti nga wala pa siyang ibang ginagawa kay Sabrina eh. Oo, may mas matinde pa siyang kayang gawin. Wag niyo na alamin kung ano 'yun dahil matinde talaga.

"Shina, Amiya, tara na mag practice na ulit. Don't mind these frogs. Mga echosera lang sila."

"Amiya," narinig kong tawag ni Sabrina kaya napalingon kaming tatlo sakanya. So, tatlo na kaming may pangalan na Amiya ngayon? Amiya nga lang sabi eh lingon naman din 'tong dalawang kasama ko.

Chinito Problems (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon