Ballpen 16 - *Bonding with my friend 'kuno' (part 2)*

153 5 2
                                    

Alice's POV

"Jeremy, bili ka na ng token dun! Bilis, excited na kamay ko maglarooo.."

"Oo na! Oo na! Psh. Kung makapagsalita akala mo kung sino 'yung gagastos sa token. Tsk! Tsk!"

"May sinabi ka?"

"Wala sabi ko pupunta na PO!"

Psh! Baliw talaga! Pagkatapos nga pala naming kumain sa Jollibee ni Jeremy, pumunta agad kami sa mall tapos dumiretso sa timezone. Tapos ayun pinabili ko siya ng token. Hahahaha! Siya nagyaya na mag'BONDING' kuno kami kaya dapat siya manlibre, di ba?

"Oh ayan oh! Ano una natin laruin?" tanong niya.

Hmmm.... Ano kaya magandang laruin??

"Ikaw na lang!"

"Hmmm.. Yung basketball na lang."

"Eh?"

"Sabi ko 'yung basketball na lang."

"May sinabi ba ako na sabihin mo ulit? Hindi ako bingi!"

"Bakit ka nag 'eh'?"

"Bakit bawal?"

"Psh! Halika na nga. Basketball tayo dali. Wag mo sabihing di ka marunong?"

"Tse! Sige ba! Bakbakan na."

"Walang bawian niya ha?"

"Walang bawian!"

"Pinky promise?"

"Pinky promise. Teka teka, nababakla ka na ba? Pfftt.. Hahahah"

"Tumahimik ka na nga. Halika na!"

"Oo na po!"

Kung alam niyo lang. Kinakabahan na nga ako ngayon eh kasi hindi pa ako nakakapaglaro ng basketball sa tanang buhay ko. Pano na lang kung maytwist 'tung basketball game na'to. Kilala niyo naman si Jeremy, may topak 'yan. Huhuhu! >.<

"Gusto ko may twist Alice. Hmmm... Ano maganda?"

Tamo oh! Sinasabi ko na nga ba. May twist na naman 'tung pinaplano 'tung mayabang na 'to eh. Ramdam na ramdam ng instinct ko. Jusukopo! Gusto ko pang mabuhay!!!! >.<

"Hmm... Alam ko na! Kung sino ang matatalo may dalawang dare. Sige game!"

"Oo na!"

My gosh!!! Tulungan niyo po akooo... Sana po may himala para mashoot ko 'yung bola. Ayoko pong magpadare sa mokong na 'to. Dahil pag nagkataon na itong kumag na 'to ang mananalo, naku tapos na buhay ko... Alam niyo naman na may topak 'tong isang 'to.

Siya 'yung una naglaro. Alam niyo ba na sa kung minalas ka nga naman, parati siyang nakashoot. Langya! Talo nako... Huhuhuhu >.<

"Oh ikaw na Alice! 50 score ko oh!"

WHHAAAAT???!!!!!! 50 as fifty! Pano niya nagawa 'yun? Waaah!!!! Talo nako nito... Lord help me. 

Okay ito na. Hingang malalim. Magsisimula na ang game. Ito na ilalagay na ang token. Ito na nagsta-start na. Waaaahh!! GO ALICE!! KAYA MO 'YAN

SHOOT

SHOOT

SHOOT

Waaahh!! Nakashoot ako.. Waaahh!! Sige ipagpatuloy mo lang yan Alice. Matatalo mo din yan si Jeremy. Gooo!!!

IT'S STARTED WITH THE BALLPEN &lt;3 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon