Ballpen 19 - *Crush*

128 5 0
                                    

Alice's POV

Gumising ako ngayong araw na may ngiti na naman sa labi. Hindi ko alam pero feeling ko ang ganda ganda ng araw ko. Parang may gusto akung makita? Parang gusto kong makita si Jeremy? Waaaahhh! Nababaliw na ako.

Ginawa ko na ang dapat kong gawin at pumunta na sa school. Naabutan ko dun si Ren atsaka si bespren na nag-uusap. 

"Hai bespren. Hai Ren."

"Oh, nandyan ka na pala bespren. Kanina ka pa namin hinahanap eh. Di ba Ren?"

"Ahh oo. Kanina ka pa namin hinahanap."

"Bakit? Ano bang meron?"

"May partner ka na sa prom bes?"

"Ay oo nga pala noh. Wala pa eh."

"Ahhh."

Psh! Akala ko kung ano ng meron. Prom lang naman pala. Pero seryoso, wala pa akung partner sa prom eh. Sino kaya mag-yaya sa'kin. Hay! Sana siya.. Waaaaaahhh!! Seryoso, may topak nako.......

Sabay na kami ni Bespren at ni Ren na pumunta sa classroom. Pagkapasok na pagkasok namin sa classroom, hindi ko alam kung may sariling utak ang brainy brainy ko pero si *ehem* na kaagad ang unang gusto kong makita. Nakuuuu.,. baka mangyari din samin yung nangyari sa movie na pinanood namin nung nagmall kami. Uwaaaahh.... Kung mangyari man yun, sure ako na ako lang ang magmamahal. Yuck! Sabihan niyo ako mamaya na magtoothbrush ng maigi, naloloka na ako sa mga sinasabi ko. SERYOSO!!!

Umupo na ako sa upuan ko malamang. Tapos meron na SIYA sa tabi ko. Ang aga ng drama niya ha!

"Hai alice!"

"Uhhh hai!" Waaahh! Bat ako nahihiya??????

"Mar partner ka na ba sa prom Alice?"

"Ahhh wala pa eh" Waaaahh! Wag mong sabihin na yayayain niya ako.. Waaaahh! Bat ako excited?? Waaaaahhh! May topak na akooooo... SERYOSO AKOOOOO....

"Ahhhh... Yayain ko sana si Jasmine maging partner sa prom."

"Ahhhh"

So ganun. Assumming ang peg ko. Pero bakit parang ay kumirot sa dibdib ko nung sinabi niya yun. Hay! Siguro masyado lang akung assumming. Ito ba talaga ang mangyayari pagsobra kang assumming? Hay! HOY ALICE! ANO KA BA??? HINDI MO NAMAN MAHAL YAN EH KAYA WAG KANG MAGDRAMA NG GANYAN.. Pero di ko mapigilan magdrama eh. Mukha akung nalugi?

"Maganda si Jasmine di ba?"

"Ahhh oo! Halos lahat naman ng lalaki nabighani sa kagandahan niyan atsaka kasali ka na pala dun." hindi ko alam pero naging cold yung voice ko. Ehh sa parang nalugi ako eh...

"Yup yup. Feeling ko crush ko si Jasmine."

"Ahhhh. Natanong mo na ba siya kung may nagyaya na sa kanya?"

"Hindi pa eh. Nahihiya ako."

"Bakla mo 'tol."

"Pake mo."

"Psh!"

Pagkatapos nun, dumating na c maam. Blahblah! Wala akung maintindihan eh sa lutang ang isip ko. Hay! Siguro mag-isa lang ako sa prom. Baka wala akung partner. Baka wala akung first dance. Baka wala akung last dance. Pangarap pa naman yan ng lahat ng babae sa mundo. Hay! Baka may ibang lalaki pa naman diyan ang mayaya di ba? Baka si Ren, baka gusto niya akung maging partner o di kaya mga classmates ko dito na boys. Hay!

****LUNCH***

"Ohh bespren, anyaree sa feslak mo? Ba't para kang nalugi diyan. Para kang natatae na ewan."

"Hay! May partner ka na ba sa prom bes?"

"Ahhh oo. Niyaya ako ni Kevin."

"Ahh yung Kevin sa kabilang section?"

"Yup yup. Kinikilig nga ako eh. Siya lang naman yung hinanting ko. Yung mahal ko cguro. Eh kasi ang gwapo gwapo at parati siya nasa utak ko eh."

"Wow! Ang swerte mo naman bes. Hay! May sasabihin ako sayo bes, wag kang maingay haaa?"

"Oo naman! Bespren mo kaya akoo. Bakit ano ba yan?"

"Wag kang mag-ingay ha pagnalaman mo 'to."

"Oo promise."

"Siguro crush ko na si Jeremy at parang palalim na palalim na dun."

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!! IKAW BA YAN BESPREN?????"

"Sabi ko wag kang mag-ingay."

"Ay sorry. Nadala lang ako.. Pero seryoso. Di nga?"

"Eh kasi lumabas kasi kami ni Jeremy nung sabado tapos dun ko lang yung alam mo na na may *ehem* na ako para sa kanya."

"Oh no.. Sabi mo hindi ka magkakagusto dun."

"Crush pa naman bes eh. Hindi pa siya masyadong malalim."

"Kahit na. Alam ko kung saan papunta yan."

"Hay! Bahala na nga si batman."

"Magiging okay lang ang lahat bes."

"Lamun na!!"

"Hhahahahaha! Kainan naaaa......"

Hay! Mabuti pa si Bespren may partner na siya sa prom at talagang yung mahal niya pa ang nagyaya. How sweet? And how lucky ng bespren ko. Pero pagdating sa'kin, wala na. Wasak na wasak. Hay! Sana magbago isip niya at ako naman ang yayain niya. Hay! Crush pa ba 'to?

Pagkatapos naming kumain ng lunch ni Bespren, pumunta na kami sa classroom.

O____O

Wag mong sabihin, sinabi na niya kay Jasmine na gusto niya maging partner nito... Waaaahhh!! Sana hindi siya pumayag...

Umupo na ako sa upuan ko at kinakabahan. Hindi ko alam bakit. Waaaahh! Baliw nako....

After 12345678 years, bumalik na din siya sa wakas na nakaSMILE?

"Oh kamusta? Pumayag ba siya."

"Hindi eh."

"Eh bakit ka nakangiti?"

"Eh kasi iba naman talaga gusto kung yayain. Nadare lang ako ng katropa ko."

"Ahhh! Ehh sino yung gusto mong maging kapartner." hindi ko alam pero kinakabahan ang peg ko...

"Ikaw"

~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~

IT'S STARTED WITH THE BALLPEN <3 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon