Ballpen 24 - *Officially Inlove*

112 4 0
                                    

Alice's POV

"ALICE!!! GISING NAAAAAA! MALALATE NA TAYOOOOOOO. HOY! BANGON KA NA DIYAN."

"ahugdjgjhegwhdgegh"

"HOY ALICE CASTRO!! BINGI KA BA??? SABI KO, GISING NAAAA!! MALALATE NA TAYOOO."

"Oo na PO! Oo na PO!"

"Bilis-bilisan mo na diyan! Maligo ka na! Tapos na ako oh, tingnan mo. Tsaka pagkatapos mo maligo, pumunta ka na lng dun sa baba may pagkain na akong inihanda dun. Pasalamat ka talaga at may utang ako sayo. Geh, bangon naaaa!!"

"Yeah right!"

Kaya bumangon na po ang kawawang si ako. Sleepy pa talaga ako eh. Hindi kasi ako makatulog kagabi kasi halo-halo yung nararamdaman ko. Isama mo na yung KILIG TO THE MAX. Aba, chansing siya masyado kahapon pero talaga kinilig din ang bruha. Hahaha! 

Pumunta na ako sa banyo para maligo, baka magalit pa si SIR! Pagkatapos kong naligo is bumaba na ako AT---

"Ehem! Ehem!"

"Ay, oh Alice, kain na!"

"Wow! Feel at home lang ang peg?"

"Pasalamat ka at pinagluto pa kita!"

"Pasalamat ka at pinatulog kita dito kahit na ayaw ko (consensya: joke lng! Gusto ko yun eh!). Sana pinalabas na lng kita kagabi."

"Oo na! Oo na! SALAMAT! Kain ka na! Malalate na tayoo."

Kaya ayun, kumain na lang ako baka sumabog na yung bibig ni Jeremy kakadakdak! Pagkatapos naming kumain is nagtoothbrush na kami. Waaah! Sabay pa nga kami nagtoothbrush. Malapit na nga mabasa yung polo ni Jeremy! HAHAHA! Pati akin din. Siya pa, di yun papatalo noh!

Nagsimula na kaming maglakad ay di pala lakad TUMAKBOOOOO pala papuntang school. Grabeh! Ang bilis tumakbo ni Jeremy, parang siyang kabayo.

"Uy Alice! Bilis- bilisan mo nga diyan. Para kang pagong eh!"

"Hala! Salig kay paspas mudagan!" (trans. = Hala! Mabilis kasi tumakbo kaya ang yabang!) 

"Eh? Ano sabi mo? Di kita magets? Ano yun pangalien?"

"WALA!! SABI KOOO ANG PANGET MOOO!"

"IKAW DIN!!!"

Nung nakarating na kami sa school, lahat ng tao PINAGTITINGINAN KAMI?!?!?! Oh feeler lng ako?!?!?!

"Uy bespren! Bakit kayo magkasama ni Jeremy?" 

"Eh, wag ka maingay bespren ha? Dun kasi siya sa bahay nagtulog kagabi!"

"ANO??? DUN SIYA NA NATU---KJHBFTYVGFTYCVT!!!!!"

"Sabi ko wag ka maingay bes."

"Eh, sorry. ^_^V"

"Halilka, dun tayo sa classroom. Ikwekwento ko sayo lahat."

"Okie dokie!"

Kaya pumunta na ako sa classroom at sinabi kay bespren lahat lahat ng nangyari kahapon. Pati yung kilig moment at yung pintig ng puso ko kagabi, kinwento ko din sa kanya.

"Hala ka Alice! Mukhang inlove ka na dun sa greatest enemy mo?!"

"Mukha nga. Love na ba to bespren?"

"Okay, may itatanong ako sayo. Yes or no lng ang isasagot mo. Okay?"

"Geh."

"Pagnakikita mo yung mga mata niya, may parang iba ba? Yung parang spark!"

Naalala ko nung isang beses, naguusap kami ni Jeremy, sa di inaasahang dahilan ay napatitig ako sa mata niya at ganun din siya sakin. Ang ganda ganda pala ng mga mata niya. Meron siayng brown eyes. Atsaka nung tinitigan ko din yung mga mata niya, parang may iba. Parang nawala lahat ng nasa paligid at ang tanging mukha lang niya lalong lalo na yung mata niya ang nakkita ko. Parang may spark din na nakapaligid sa mga mata niya. Siguro mga 1 minute din kami naging ganun. Then back to normal na. Nagsorry na lng kami sa isat isa at yun cat and dog na naman yung drama namin.

"Ou bespren. Parang may spark."

"Okay, second question, uhmm kapag hinahawakan ka ba niya o kahit isang dikit lng ng mga balat niyo, may nararamdaman ka bang iba?"

Naalala ko din nung naglalaro kami ni Jeremy ng volleyball. Magkateam mates kami then yung kalaban namin is yung kabilang section. Then after 4567 years,NANALO KAMI!!! Nung sinabing anouncer na nanalo kami ahh grabeh, bigla na lang ako YINAKAP ni Jeremy. "Congrats Alice! Galing natin. Kaya Love na love kita eh." yun yung sinabi niya habang nakayakap siya sakin. Bigla na lang tumibok yung puso ko. Sobrang lakas nga eh. Baka narining niya sa sobrang lakas. "Congrats din Jeremy!" yun na lang din ang sinabi ko. Kumalas na si Jeremy sa yakap then nagskahe hands kami. Habang nagshakex2 hands kami feeling ko nagslo-slow motion lahat ng nasa paligid ko. Nakatingin lang ako sa kamay naming dalawa, ang lakas na naman ng tibok ng puso ko. Feeling ko sasabog na naman ito.

"Ou bespren eh. Parang may iba."

"Okay last question, nagseselos ka ba kapag may nakikita kang ibang babae na pinapansin niya?"

"Ou bespren. Remember mo yung babae na bagong classmate natin na pinsan lng pala ni Jeremy. Ahh grabeh, sobrang selos ko nun.!"

"So isa lng ang ibig sabihin ng lahat, MAHAL mo na nga si JEREMY MONTEVERDE!"

*sigh*

Hay! Mahal? Sino? Siya? Pano? Bakit?

Wala na tayong magagawa, mahal ko na talaga siya.

<3

IT'S STARTED WITH THE BALLPEN &lt;3 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon