Ballpen 18 - *Bonding with my friend 'kuno' (last part)*

138 5 1
                                    

Alice's POV

"Jeremy dun tayo sa swing ohh.."

"Oo na! Oo na!"

Pagkatapos pala naming magmall kanina dumiretso na kami sa park para magpahangin. 

"Hay! Pagod noh?"

"Yup! Ano balak mo pagkatapos nito?"

"Hmmm... Sakay  muna tayo dun oh! Tapos upo na naman tayo sa swing tapos uwi na tayo"

"Okay!"

Yung sasakyan pala namin ni Jeremy ay yung ferris wheel. May ferris wheel kasi dito sa park. So ayun, gusto ko kasi sumakay kasi matagal-tagal na din akong di nakapagsakay ng ferris wheel. ^.^

"Manong, sasakay po kami. Magkano po bayad?"

"Ahhh 20 pesos lang iho. Girlpren mo ba yan iho, naku naalala ko tuloy kabataan ko sa inyo. Oh sige na, sakay na kayo."

"Manong, di po kami magsyota."

"Sus, deny ka pa iho. Sige na sakay na kayo."

"Psh!"

Grabeh si manong, Napagkamalan kaming magsyota. Pano nangyari yun eh hindi naman kami naghoholding hands or akbay akbay and stuff like that. Psh! Bahala ka nga manong. >.<

"Pasensya ka na kay manong Alice ha. Baka nakadrugs lang yun."

"Ahh oo nga. Hahahahaha!"

"Ang ganda ng view noh?"

"Yup yup. Ang ganda."

"Ang ganda talaga."

"Oo nga sabi."

"Psh! BTW, masaya ka ba?"

"Masaya saan?"

"Ngayong araw?"

"Oo naman. Kahit na pinabili mo ako ng brief walanghiya ka."

"Hahahahaha! Kakatawa ka talaga kanina Alice. Laftriip talaga."

"Nakakahiya kaya yun. Tinanong pa ng saleslady kung ako ba daw ang susuot nun."

"Hahahaha! Talaga? Hahahahahaaha!"

"Oo! Kakahiya talaga yun. First time ko yun."

"Everything has its first time."

"Tama!"

Daldal lang kami ng daldal ni Jeremy. Masaya naman pala siya kasama. Hindi ko nga akalain na magiging comportable ako sa kanya. Kung sasabihin ko pa sainyo kung anong pinagusapan namin ni Jeremy baka abutin pa to ng 200 pages. Kawawa ang author. (naks! Epal ang author)

Pagkatapos naming sumakay ni Jeremy ng ferris wheel, bumili muna kami ng ice cream tapos bumalik kami dun sa swing.

"Ang sarap ng ice cream Alice noh?"

"Yup yup. Ang tamis."

"Hehehe! Dito muna tayo ha?"

"Bakit?"

"Ayaw ko pang umuwi!"

"Bakit naman?"

"Wala lang. Gusto lang kita makasama."

Okay. Gusto lang kita makasama.......... Kyaaaaaahhh!!!! Really? Sinabi niya yun? Walang halong biro? Ehhh?? Kinikilig aketchhh....

"Ahhhh" Waaaahhh! Na spee-speechless aketch.....

"Friends na tayo Alice ha?"

"Oo na! Oo na! Basta wag mo lang ako asarin."

"Eh di ko kaya yun. Daily routing ko ng asarin ka."

"Ah ganun ha pero sige na nga."

"Hehehehehe pero seriously Alice ang ganda mo pala, ngayon ko lng nalaman."

"Hahahaahahahaha---wait HA?"

"Sabi ko ang ganda mo pala."

Waaaaaaahhh! Maganda? Sino? Ako? Waaaahh! Ako na kinikilig. Sinong hindi kikiligin pag sabihan ka ng maganda? Ullalalala...

"H-hindi n-n-aman ma-masyado."

"Hahahahahahahahahahaahahahah! JOKE LANG ! PEACE"

"Punyetang JEREMY!!! Sinasabi ko na nga ba."

"Pero seryoso, maganda ka naman talaga."

"Oo na! Oo na!"

Kaya ayun, nagkwento lang kami ng Jeremy. Umabot nga kami ng isang oras sa pakikipagdaldalan. Akalain niyo yun?

"Uhmmm... Salamat pala sa treat mo ngayong araw Jeremy ha. Grabe, ang dami mong ginastos."

"Your welcome! ^__^, BTW, uwi na tayo?"

"Sige, 8:30 na rin ng gabi oh. Baka nag-alala na si mama sakin."

"Okie, hatid na kita sainyo."

Napagdesisyon namin ni Jeremy na maglakad na lng pauwi. At talagang hinatid niya ko. Siya na din yung nag explain kay mama kung bakit kami na late. Nilait pa nga kami ni mama kung kami na daw pero sinabi namin kay mama na friends lang kami. Tapos ayun umuwi na si Jeremy. Kitang-kita ko siya ngayon, naglalakad na palayo sa bahay namin. Hindi ko alam pero parang gusto ko makitang MULI? Ahhhh!! Wala 'to. Pagod lang 'to...

"Oh anak, mahal mo na yang Jeremy noh?"

"Ay kabayo! Nabigla naman ako sayo mama eh."

"Hahahahahaha! Tingin-tingin ka kasi dun sa anong pangalan nun, Jeremy ba yun. Yieee.. Ang anak ko, dalaga na."

"Eh? Hindi ah. Mama naman. Kaibigan lang talaga turing ko sa kanya."

"Okay. Bahala ka. Kakainin mo din yan balang araw."

"Mama naman eh."

"O sha sha. Tulog ka na. Sigurado akung napagod ka sa lakad KAIBIGAN niyo ni Jeremy."

Mama talaga oh. Isip-bata! 

Pumunta na ako sa kwarto ko at dumiretso sa c.r. para maligo. Pagkatapos kong maligo, sinuklay sukly ko muna yung buhok ko bago matulog. Bawal daw kasi basa yung buhok pagnatutulog. Yun kasi yung sabi ni mama. 

***BOOM SHAKA LAKA~~ BOOM SHAKA LAKA***

"Hala, may nagtext! Sino kaya yun?"

Kinuha ko na yung cellphone ko sa bedside table tapos tinignan kung sino yung nagtext. 

******************************************

FROM: JEREMY YABANG

GOOD NIGHT ALICE! SWEET DREAMS! :D

******************************************

Hindi ko tuloy maiwasang ngumiti. Hay! Mareply na nga lang

*********************************************

TO: JEREMY YABANG

GUD NYT DIN! SWEET DREAMS DIN! :d

***************************************************

Pagkatapos kung magsuklay ay natulog ako ng may ngiti sa labi. ^____^

IT'S STARTED WITH THE BALLPEN &lt;3 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon