Memorare. Memento. Reminisci
Copyright ©2011 by AnakDalita. All Rights Reserved.***
Sa Isang Panig
(Mula sa Pananaw ni Garnet)Tatlong buwan.
'Yun nga ba 'yun? Oo, tama. Tatlong buwan. Ganoon na nga ang panahong nagdaan simula nung huling beses na nagkaharap kami.
Kung tatantyahin natin nang maigi, wala namang sinabi 'yang tatlong buwan sa isang taon. O kaya, isang dekada. Lalu naman ang isang siglo. Walang-wala talaga ang tatlong buwan; kumbaga, isang kurap lang ng mata ang panahong 'yun; kumpara sa taon, dekada o siglo. 'Di ba?
Pero, NAMAN:
Kapag binabalikan ko ang alaala ng araw na 'yun, pakiramdam ko, parang LIGHT YEARS na ang distansya nun sa kasalukuyan. Meganung light years factor pa eh, 'no?
Sa loob nitong tatlong buwan, naiisip ko pa rin naman siya. Siyempre. Pwede ba namang hindi? Kahit paano, naging malapit din naman kami sa isa't isa. May namuong samahan sa pagitan namin, bagaman hindi din kalaliman 'yun. Itinuring ko na siya bilang parte ng buhay ko, kahit na ba naging sandali lang ang "pagsasama" namin.
Kaya lang, siguro 'yun ang nagdala ng konting isyu sa 'kin: Inassume ko na may pagsasama ngang nabuo, as in dinibdib ko ang closeness naming dalawa. Dapat pala yata, nilimitahan ko pa rin ang naging tingin ko sa "samahang" 'yun...para bandang huli, hindi na rin ako masyadong nahirapan sa pag-emote dahil sa paghihiwalay ng mga landas namin. Anong sa tingin ninyo?
Kaso, mukhang madaling mawawala sa isip mong limitahan o kontrolin pa ang pagtingin mo sa iilang bagay, lalu na kapag napangunahan ka na ng kalooban mo...
Ang ibig kong sabihin, kapag mas nangibabaw na ang itinitibok ng puso mo.
BINABASA MO ANG
Mmr
RomanceMeMoRy [Formerly: Memento. Memorare. Reminisci] Pag-aalaala. Pagbabalik-tanaw. Pagsasariwa sa nakalipas. Dalawang magkaibang pananaw. Iisang nilalaman ng puso.