Sa umpisa, medyo nabangag pa ako dala ng hindi-kagandahang paghihiwalay ng mga landas namin. May mga oras na sinasakop niya talaga ang isipan ko; na tinatanong ko ang sarili ko kung ano na kaya ang nangyayari sa kanya, o kaya kung naaalala din ba niya ako. Halos maloka ako dahil sa kakaisip nang ganun.
Fortunately, hindi nagtagal, nakalaya na rin ako sa kabangagang aftershock ng dead end na ‘yun. Naiisip ko pa rin nga siya. Namimiss ko pa rin siya...nasa kalagitnaan pa rin ako ng pagmomove-on. Pero, at least, tanggap ko na talagang hanggang dun na lang talaga ang lagay namin.
Wala akong pinagsisisihan sa mga kinahinatnan ng mga kaganapan. Wala din akong nadaramang bitterness o anu pa mang kapareha na negatibong emosyon. Naging masaya pa rin naman ako, dahil kahit na pasikreto na naman ang nararamdaman ko, alam kong minahal ko naman siya dala na rin ng pagkakalapit ng mga kalooban na namagitan sa ‘min. ‘Yun na ‘ata ang pinaka-paconsuelo doon.
Naaalala pa kaya niya ako pagkatapos nitong tatlong na buwan? Hmmm. Siguro, mas makakabuti na rin kung HINDI na niya ako maalala. ‘Wag na nga. Palagay ko, panggulo na lang sa matiwasay niyang pamumuhay ang alaala ng minsang pag-entrada ko sa paningin niya.
Lalu naman ngayong nabalitaan kong may panibago na palang miyembro ang sariling pamilya niya.
BINABASA MO ANG
Mmr
RomanceMeMoRy [Formerly: Memento. Memorare. Reminisci] Pag-aalaala. Pagbabalik-tanaw. Pagsasariwa sa nakalipas. Dalawang magkaibang pananaw. Iisang nilalaman ng puso.