5. Sa Isang Panig...Pagpapatuloy

185 4 3
                                    

Nagdaan ang panahon. Kasabay noon, nadagdagan din ang paglalim ng pasikretong pagmamahal ko para sa kanya. Kasabay din noon, umeksena na rin ang pagkumplika ng ilang detalye ng mga pangyayari.

Dumating kasi ‘yung puntong nababahiran na ng kaunting pasakit ang kalooban ko. Kung meron nung pampalubag, siyempre nandiyan na rin ang pampasakit-loob—hindi na talaga mapapalampas ‘yan sa pag-ibig...Malakas ang nasagap ng mga sungay ko na minsan ay iniiwasan na din niya ako. Pasimple na siyang umiiwas mula sa ‘kin pati sa mga pagkakataong kami-kami lang ang nakaaligid sa bawat isa (as in ‘yung kaming dalawa ang magkasama?). Haller! Halatang-halata naman ‘yun sa mga kilos niya, ‘no.

Sa totoo lang, may kurot sa puso ko sa bawat beses na ganoon ang nangyayari. Masakit na rin para sa akin, lalu na’t kaagad kong napagkonek-konek ang mga dapat mapagkonek. Inintindi ko na lang. Naiintindihan ko naman eh. Masakit nga, pero kung sabagay, mas nararapat ‘yun. Mas nakabubuti para sa ‘min na panatilihing tuwid ang linyang namamagitan nga pala sa ‘min.

Oo nga, iniiwasan niya ako. Pero MINSAN lang naman ‘yun. Kahit na ba minsan, gumaganun pa ang lolo ninyo, wala namang drastic changes sa pakikitungo niya sa ‘kin. Siguro, lumalayo lang siya, pati na rin sa posibilidad na...’Di bale na lang nga.

MmrTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon