Sa Kabilang Dako
(Mula sa Pananaw ni Fabian)Naaalala pa ba niya si Garnet? ilang beses ding naitatanong ng intrigero niyang isipan.
Si Garnet... Ang dalagang minsan niyang nakalapit, dulot ng pagtatagpo sa kanila ng pagkakataon.
At iisa lang ang nagiging kasagutan niya: Oo; naaalala pa niya ito.
Pwede ba namang hindi? Eh, Kahit na anong pilit niyang ipagkaila sa kanyang sarili ang buong katotohanan, bandang huli ay aamin at aamin pa rin siya...
Wala na siyang lugar sa memorya ko. Kagaya ng kawalan niya ng lugar sa puso ko, mula't sapul. Ganyang ang paulit-ulit na isinisiksik ni Fabian sa kanyang utak, sa tuwing may susulpot na kahit na salubsob na ideya patungkol kay Garnet. Ngunit, sa kabila ng pagsisikap niya na malimot ito, parang bale-wala lang din ang lahat. Pursigido ang pananatili ng alaala nito sa isipan at puso niya, hanggang sa may kakayahan pa siyang makaalala.
Natanggap na rin ni Fabian ang katotohanang 'yon. Kung sabagay, naging bahagi na rin ito ng kanyang buhay, sa loob ng maikling panahon na pinagsamahan nila. Nananatili, at mananatili itong bahagi ng buhay niya. kahit na ngayong nagkawalay na ang mga landas nila.
Kung sana, nagkaroon lang siya ng pagkakataon... Pagkakataon upang ipadama kay Garnet na parte na ito ng buhay niya. Kung pwede lang talaga na gawin niya ang bagay na 'yun, matagal na siyang kumilos, habang nagkakasama pa sila.
Kaya lang, hindi na nga siya hinayaan ng pagkakataon. Sa lagay niyang ‘yon, malabong mabigyan na rin siya ng malayang pagkakataon.
Hindi na alam ni Fabian kung may karapatan pa ba siyang mag-alala para kay Garnet, matapos ang pagka-unsyami ng lahat-lahat ng simulaing nag-asam ng pagpapatuloy.
BINABASA MO ANG
Mmr
RomanceMeMoRy [Formerly: Memento. Memorare. Reminisci] Pag-aalaala. Pagbabalik-tanaw. Pagsasariwa sa nakalipas. Dalawang magkaibang pananaw. Iisang nilalaman ng puso.