Paningit: Ano Ba Sa Tagalog ang "AFTERWORD?"

367 5 6
                                    

Pang-wakas na salita… Okay na ba ‘yun?

Anyway...

Hayan, natapos ko na rin sa wakas ang isa na namang akda-akdaan. J

Matagal-tagal ko na ring balak kumpletuhin ito, kung hindi lang dahil sa #1: tambak na school requirements; at #2: katamaran sa pag-aayos ng sabug-sabog na drafts.

Kako nga, kahit isang araw lang eh kaya nang buuin ang nalalabing 1/3 ng kuwento eh. Kung hindi lang talaga ako tinamad nang may ka-bonggahan, solved na rin ang isang ito.

Pero eto, tapos na nga dibadibadiba? Olats pa? XD Yahu, may panibagong pamagat na naman sa “My Works” na may “green check” sa tabi nito.

Actually, paningit na lang talaga ang pagbuo ko dito sa Memorare. Memento. Reminisci. Sa ngayon, dapat nagpapakabaliw na ako sa sangkaterbang requirements, gaya na lang ng thesis proposal (na kinakailangan pa man din ng maraming sulatan!).

Kaso, sa kasamaang palad ng kinasamaang palad, naligaw na naman ang motivation ko para gawin ang nasabing trabaho. Eh imbes na tumunganga na lang ako, eto na lang ang tinrabaho ko kani-kanina lang.

Buti pa dito, madali lang pahabain ang eksplanasyon. Bakit sa thesis proposal, hindi ata masyado (proposal pa lang ‘yan!)? Kung sana ganito din kadali ang magsulat ng thesis/thesis proposal anu. Tsk, tsk.

Oh, ‘wag ninyo akong tutularan ah. Dapat unahin pa rin ang thesis proposal o anu mang school requirements. Saka na ang lamyerda sa Wattpad. *Bow.*

Magpapasalamat na rin ako bago ako gumorabelz.

SALAMAT SA MGA NAGTUTUON NG PANSIN AT NANGUNGUNSINTE SA PAGPAPAPANSIN KO. SANA’Y MAKATANGGAP PA RIN AKO NG FEEDBACK/KOMENTO/KRITISISMO CHUVANECHIE ECKLAVOOMER MULA SA INYO. Nawa’y may napala din kayong kaaya-aya sa pagbabasa nito, at marahil ay sa iba ko na ring akda-akdaan (baka sakali lang).

Muli, marameng SOLOMOT po!

 

-May-Akda
Sa Sister City ng JoSeon, SK

09.07.2011

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MmrTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon