Lumipas ang mga araw; oo; talagang-talaga. Napinto na ang huling araw na magkakasama kaming dalawa.
Naalarma ba ako? Siyempre!
Agad ko nang hinarap ang napakalaking posibilidad na mangungulila ako sa presensiya niya, sa oras na magtapos na ang mga maliligayang araw ng paghaharap namin. Natural na rin ‘yun, ‘di ba? Lalu na’t madali siyang nagkaroon ng espasyo dito sa puso ko...
Magkakahiwalay din kami. Pero sana, bago dumating ang pinakahuling araw na ‘yun, malubus-lubos namin ang mga nalalabing oras na magkakapiling pa kami. Hindi na ako umaasa pang may tapatan na mangyayari; umiiwas na nga siya sa ‘kin, eh. Basta, magkasama, magkakuwentuhan at magkakulitan kami sa pinakahuling pagkakataon...’yun lang, at wastong pamamaalam, okay na ang beauty ko.
BINABASA MO ANG
Mmr
RomanceMeMoRy [Formerly: Memento. Memorare. Reminisci] Pag-aalaala. Pagbabalik-tanaw. Pagsasariwa sa nakalipas. Dalawang magkaibang pananaw. Iisang nilalaman ng puso.