11. Sa Kabilang Dako - Huling Pasada

159 3 3
                                    

Sumapit na ang nakatakda; ang huling beses na magkikita at magkakasama sina Fabian at Garnet.

Nilubos na ni Fabian ang pag-iwas niya. Imbes na tumigil, tinodo-todo pa niya ito. Kung hindi pa niya naaninag ang kalungkutang sumilip sa mga mata ni Garnet, hindi pa niya napag-isipang huminto sa pinakahuling kilos niya.


Patawarin mo sana ako, Garnet. Pero, ito ang palagay kong mas makakabuti sa ‘tin.

Bilang bahagi ng kanyang pinakahuling istratehiya, sinadya din niyang huwag magpaalam kay Garnet sa araw ding ‘yun. Mas pinili niyang umalis na lang at dire-diretso sa paglabas mula sa gusaling kinaroroonan nila; animo’y nagmamadali at may pupuntahan samantalang meron palang nilalayuan.

Mahirap na umalis nang basta-basta ganoon na lang―kunwari eh tipikal na araw, imbes na ang araw ng pamamaalam ni Garnet, at hindi ang posibleng pinakahuli sa kanilang mga pagkikita.

Subalit, magiging mas mahirap pa para kay Fabian na makita pa itong nalulungkot. Pinakamahirap namang masaksihan pa niya ang pamamaalam nito sa kanya. ‘Yun na marahil ang pinakamalalang bahagi at epekto ng mga ginawa niyang pag-iwas. Batid niyang sa pangkalahatan, ‘yun na rin ang nagdulot ng pinakamatinding hapdi sa kanyang kalooban.

Hindi niya intensyon ang magbigay ng pasakit. Ngunit, alang-alang na rin sa pagpapahalaga niya kay Garnet, pinabayaan na rin niyang maging ganoon ang kahihinatnan ng lagay nila.

He did care. Perhaps, he cared a little bit more than he should, that he can’t even bear seeing her, bidding her farewell. Besides, he’s just too old for those kind of sentiments; too tired of getting hurt while unintentionally hurting others, as well.

Mahalaga naman para sa kanya si Garnet, eh. ‘Yun ang totoo. Kung talagang “wala lang” para sa kanya ang dalaga, eh ‘di sana, malaya siya mula sa kalungkutan at pagkabagabag na resulta ng samu’t saring bagay na pinaggagawa niya noon.

Pero, may mas mahalaga pa rin; hihigit pa nang husto sa pagpapahalagang nailaan na niya para kay Garnet. At ‘yon ay walang iba kundi ang kanyang sariling pamilya―ang kanyang asawa at kanilang mga anak. Sila ang numero unong rason kung bakit mula’t sapul ay kumikilos na si Fabian papalayo kay Garnet. Kay Fabian nakasalalay ang ang malaking bahagi ng katuparan ng ipinangako niya para sa mga tunay na mahal sa buhay.

Kung wala man sa loob niyang saktan si Garnet, hindi naman kakayanin ni Fabian na saktan ang kanyang buong pamilya.

Labag sa kalooban niyang durugin ang puso ng dalaga. Ngunit, lalung napakalabag sa kanyang kalooban na biguin ang pamilya niya. ‘Di hamak na mas kailangan siya ng mga ito―

Lalu naman ngayong may paparating na namang isang miyembro ng kanilang mag-anak.

- Wakas. Malamang. :) -

MmrTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon