9. Sa Isang Panig...Pagpapatuloy

152 4 4
                                    

May halong kasiyahan pa ba ang huling araw na ‘yun? Pinilit ko na lang ding haluan ‘yun ng kasiyahan, kahit na mas nangibabaw na talaga ‘yung kalungkutan ko, lalu na sa pagtatapos ng araw.

Magagawa ko pa ba na maging tuluyang masaya kung hindi man lang siya nagpaalam nang maayos sa ‘kin? Ni isang “Babye na sa iyo,” wala man lang siyang sinabi. Madali lang siyang umalis na parang wala lang din ang araw na ‘yun.

Naisip ko, baka nagmamadali lang siya...baka mayroon talaga siyang kailangang asikasuhin...baka sa pagod niya, nawala na sa isip niyang ‘yun na pala ang huling pagkikita namin...

Kung alin man dun ang dahilan (kung may tumpak man dun!) ng apuradong pag-exit niya, hindi ko na rin masyadong napansin sa ganung pagkakataon...

Hindi ko na napigilang mapaluha habang mag-isa akong naglalakad pauwi, matapos ang lahat ng mga naganap sa huling pagkikita namin.

MmrTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon