-Northside High, 07:35am-
Genevieve's PoV
"Ok class, we have a transferee from Kin High. Mr. Lee please come in." sabi ng teacher namin na si Mr. Sandoval. Pumasok naman sa loob ng classroom yung tinawag niyang Lee tapos nagpakilala siya.
"Good morning. I'm Daverson Lee. Nice to meet you all." sabi niya tapos bigla siyang nag-bow.
"Have a seat beside Ms. Anderson." sabi ni Mr. Sandoval. At talagang dito pa sa tabi ko pinaupo ha?
"Thank you Sir." huling sinabi niya bago tuluyang maka-upo sa bakanteng upuan sa tabi ko.
Tch. Pagsisisihan mong lumipat ka pa sa eskwelahan na 'to.
-
From my peripheral vision ay nakikita kong natutulog lang 'tong transferee na 'to. Akala ko matino 'tong isang 'to, tamad naman pala.
Mukha namang napansin ni Mr. Sandoval na may natutulog sa klase niya, ayaw na ayaw pa naman niya 'yun. Patay kang bata ka!
"Mr. Lee! Since you are sleeping in my class, would you mind answer the problem on the board?" naaalimpungatan pa siyang naglalakad sa harapan pagkatapos tawagin ang pangalan niya. Tch. Tingnan natin 'yang galing mo.
-
Ok? Binabawi ko na yung sinabi ko kaninang tamad siya. Bakit? NASAGOT NIYA YUNG STAT NG WALANG KAHIRAP HIRAP! NI HINDI MAN LANG SIYA PINAGPAWISAN! LANGHIYA!
"You may take your seat Mr. Lee." mukhang satisfied naman na si Sir sa sagot nito.
"Ok Sir."
-
Daverson's PoV
Ako lang ba o kanina pa nakatingin sa akin 'tong katabi ko? Oo, gwapo ako pero baka malusaw kasi ako sa kakatingin niya eh. Haha.
Kaka-transfer ko lang sa bago kong school kaya dapat magpakitang gilas na ako kaya eto, kunwari seryoso tsaka kagalang-galang ako. Pero jolly talaga akong tao. Pfft.
"Uh Miss? May problema ba?" tanong ko sa kanya. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung Ms. Anderson na sabi ni Sir na tabihan ko kanina.
"Tch." yun lang yung sagot niya tapos nagsulat na ulit siya ng notes. Sus, 'di ko na kailangan 'yan. Pfft.
-
"Tara! May panibagong biktima na naman siya." sigaw ng isang babaeng sa tingin ko 3rd year. Teka? Panibagong biktima? Tsaka sinong siya?
Bigla akong kinabahan nung marinig ko yun at agad akong tumakbo hanggang sa makita ko ang kumpol ng tao sa may girl's comfort room.
May mga crime experts na rin ang nasa loob ng CR. Nang lumabas na sila galing sa loob ay may hawak hawak silang stretcher na naglalaman ng isang babae. At kung hindi ako nagkakamali ay... taga-Amethyst siya katulad ko.
Tinakpan nila ito ng puting tela na namantsahan na ng dugo, nagpapatunay lang iyon na patay na nga ang biktima.
Nagpasya na akong umalis doon dahil hindi kaya ng sikmura ko yung senaryo na 'yun. Sobrang puti ng kulay ng balat niya, nangingitim na mga labi, puno ng sugat sa mukha na sa tingin ko pinahirapan ng sobra.
Tsk. Sinong gagawa ng ganung bagay?
Hindi pa man ako nakakalayo ay nakita kong nakatingin lang yung Anderson na 'yun sa pinangyarihan ng krimen at ang sama ng tingin niya sa ambulansya na pagmamay-ari ng mga crime experts na papalabas na ng Northside High.
(To be continued...)