Chapter 10: School Festival (Part 2)

43 3 0
                                    

The Secret of Class Amethyst

Genre: Mystery/Thriller

Chapter 10: School Festival (Part 2)


Genevieve's PoV


Anong problema nitong si Lee? Parang ang lamig lamig ng aura niya ngayon. Kanina pa siya ganyan nung pumasok siya dito sa booth. Bahala nga siya diyan.


Nagseserve kami dito ng mga orders ng mga customer namin at hindi na mabilang yung mga nakapila sa labas dahil limitado lang ang espasyo namin dito sa loob.

"Kyaahh~! Ang cute ng outfit nila!" rinig kong tili ng freshmen dun sa labas habang nakapila.

"Ang gwapo din ng mga butlers nila!" rinig ko ring sabi nung kasama niyang freshmen.


-


"Lee, may problema ba?" tanong ko sa kanya nang magkaroon kami ng break sa pagseserve sa booth. Ang daming customers kaya malamang pagod kami.

Pumunta siya sa isa mga bleachers dito sa field at nagpasya akong sundan siya.

"Hindi mo ba naisip na baka mabastos ka sa pinasuot nila sa'yo?" tanong niya ng nakatingin ng deretso sa akin. Yan ba yung dahilan kung bakit ang lamig niya kanina?

"Huwag kang mag-alala sa akin. Kaya ko ang sarili ko." Sabi ko sa kanya.

"Ayokong... may mangyaring masama sa'yo." Sabi niya ng nakatungo habang ako nakatingin lang sa kanya.


Napangiti ako sa sinabi niya at isang magandang ideya ang naisip ko.


"Huwag na tayong bumalik sa booth. May pupuntahan tayo." Napatingin siya sa akin pagkatapos kong sabihin 'yun at mukhang alam na niya ang ibig sabihin ko.



-


"Oh para maiba naman. Saluhin mo!" sabi niya sa akin sabay hagis ng isang Chocolate drink. "Napapadalas na yung pag-inom mo ng softdrinks eh." Dugtong niya matapos kong masalo yung Chocolate drink.

"Pasensya na pala kanina. Hindi ko kasi nagustuhan yung kung ano man yung pinasuot nila sa'yo." Sabi niya habang umiinom.

"May tao pa rin palang may pakialam sa akin." Sabi ko sa kanya.

-

Daverson's PoV

"May tao pa rin palang may pakialam sa akin." Siyempre naman meron, sana maramdaman niya yun.

"Teka, bakit mo nga pala napiling pumunta dito ngayon?" tanong ko sa kanya. Pagkaalis kasi namin doon sa field dumiretso kami dito sa dati niyang bahay. Sa una lang pala dito nakakatakot pero 'pag nasanay ka na, makikita mong maganda naman pala dito. Kaso nga lang nasunog na yung ibang parte ng bahay.


"Sa tuwing pupunta ako dito, naaalala ko yung mga alaala namin ng kakambal ko." Sabi niya sa pilit ng ngiti.


"Nasaan na pala yung mga magulang mo?" tanong ko sa kanya sabay inom ng binili kong Chocolate drink.


"Tch. Wala na sila dito sa bansa." Sabi niya sa mapait na ngiti.


"Pumunta sila sa Amerika dahil natatakot silang madamay sa kamalasan ko. Wala naman akong ibang magagawa kaya pinabayaan ko na sila." sabi niya sa mababang tono.


"Ang mama mo?"


"Nandun siya sa isa sa mga hospital sa Amerika. Alam kong maayos yung kalagayan nila doon kaya ayoko nang manggulo pa." sabi niya pero alam kong nalulungkot siya. "Ang mga magulang mo nasaan?" dugtong na tanong niya.


"Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa utak nila kung bakit nila ako nilipat sa eskwelahan na yun eh. Ayos na ang lahat sa Kin High nang isang araw tinawagan nila ako't sinabing na-transfer na daw nila ako sa Northside." Sabi ko sa kanya. Pero pabor naman din sa akin 'yun. Pfft.


"Hindi kaya may misyon kang dapat gawin sa North kaya ka doon pinadala ng mga magulang mo?" sabi niya ng seryoso sa akin.



(To be continued...)


The Secret of Class AmethystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon