The Secret of Class Amethyst
Prologue
Ang Amethyst ay kasalukuyang nasa kanilang classroom at nagtitipon tipon upang pag-usapan at tuklasin ang misteryong bumabalot sa kanilang klase.
Napagpasyahan nilang gawin ito kahit gabi na, tanging flashlights, notes at ballpen ang dala ng karamihan sa kanila.
"Hindi kaya si Helen ang taong nasa likod ng mga pagpatay?" tanong ni Shin sa mga kaklase niya. Si Shin ang pinaka-sporty sa klase, basketball, volleyball, tennis, except sa fencing.
"Pwede bang huwag niyong pag-usapan ang taong wala dito. Wala kang sapat na ebidensya Shin kaya manahimik ka na lang." naiiritang sabi naman ni Tricia, ang sossy kung tawagin ng lahat. Rich kid nga kumbaga.
Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay isang malakas na kalabog galing sa labas ng silid ang narinig ng lahat.
Nakaramdam ang lahat ng kaba dahil mukhang may panibagong biktima na naman. Ang lahat ay natataranta at iniisip kung ano ba ang ingay na narinig nila mula sa likod ng pintuang iyon.
"PWEDE BANG HUMINAHON KAYONG LAHAT!?" pasigaw na utos ng presidente ng section Amethyst na si Julie kahit siya mismo ay kinakabahan na naglalakad papunta mismo sa pinto.
"A-yoko... AYOKO PANG MAMATAY!" sigaw naman ni Ashlyn habang nakatakip ang dalawa niyang kamay sa kanyang tenga dahil hindi niya alam kung ano na ang gagawin.
"Naghy-hysterical na naman siya. Tch. Pwede ba Ash huminahon ka!" sabi ni Yen, ang party girl kung tawagin nila, maging siya pinipilit na ihinahon ang sarili niya.
Sa pagbukas ni Julie ng pinto ay nagulat ang lahat sa kanilang nakita.
"AHHHHHHHH!" sigaw ng mga babae habang nakatakip ang kanilang mga mata.
"Nalintikan na! JOEY TUMAWAG KA SA 117! BILIS!" pasigaw na utos ng Vice President ng klase na si Jiro at sinunod naman agad ito ni Joey.
Kitang kita nila ang dumudugong katawan ng kaklase nila na si Helen sa harap mismo ng pintuan ng classroom kung saan sila nagtitipon. Nakasuot pa ito ng kanilang school uniform na ngayon ay nababalutan na ng dugo.
May nakatusok na bakal sa kanyang leeg na tumagos papunta sa batok nito kaya't sobrang nakakakilabot kung titingnan ito.
Nakadilat pa ang kanyang mga mata na namumula kaya't nakakapanindig balahibo ang senaryo kung tititigan pa siya.
-
Someone's PoV
Napakapayapa ng eskwelahang ito noong unang pasok ko.
School Year 2015-2016. Ang taon kung kailan ako pumasok sa Northside High.
Masasayahing estudyante, desenteng mga propesor, napakagandang hardin, at higit sa lahat, napakapayapang eskwelahan.
Ngunit hindi ko inaasahan na sa kabila ng magandang eskwelahan na ito ay may mga bagay ito na itinatago. Mga bagay na kung titingnan sa labas ay napaka-kulay, sa loob pala nito'y puro kadiliman.
Walang nakakaalam sa maaaring mangyari kaya't isa lang ang dapat na tandaan ng lahat, KAILANGAN NAMING MAG-INGAT!