The Secret of Class Amethyst
Genre: Mystery/Thriller
Chapter 16: CheckmateDaverson’s PoV
“At isa pa, pakiramdam ko may tinatago sa atin si Mr. Hans na kailangan nating malaman sa lalong madaling panahon. Dahil kung hindi, unti-unting mauubos ang estudyante sa klase natin bago pa man tayo maka-graduate dito. Alam ko… alam kong malapit na natin ‘to maresolba.” Sabi niya nang nakangiti sa akin kaya napangiti din ako.
“At sabay nating tutuklasin ‘yun.” Sabi ko sa kanya.
“Tara na. May sunod pa tayong klase.” Dugtong ko pagkatayo ko sa damuhan at inilahad ko ang kamay ko sa kanya para makatayo siya ng mabilis sa damuhan kung saan kami nakaupo kanina. Nakangiti niyang inabot ang kamay ko at sabay kaming naglakad papunta sa susunod na naming klase.Malapit na… malapit na naming malaman kung sino ka. Tch.
-
-Northside dorm, 08:18pm-
“Hoy Shin! Ayos ka lang ba?” tanong ni Joey kay Shin dahil kanina pa siya parang wala sa sarili dahil nakatulala lang siya at hindi kinakain yung instant noodles na binili namin kanina sa convenient store.
“Nabigla lang siya sa nakita niya kagabi.” Sabi ni Jiro sabay hawak sa salamin niya dahil muntik na itong mahulog sa paghigop niya ng mainit na sabaw sa cup.
“Sabagay, kahit ako kinilabutan sa nangyari kay Helen eh.” Sabi naman ni Joey.
“Matutulog na ‘ko. Kayo na lang magligpit niyan.” Sabi ko na lang at dumiretso na sa higaan ko para humiga.
Ang mga nabiktima ay nakakatanggap ng mga maling impormasyon sa dapat na aktibidad na gagawin nila.
Ang dalawang note na hawak ni Anderson.
Dalawa ang nabibiktima sa loob ng isang buwan na dapat ng matigil.
At … ano ang tunay na dahilan ni Mr. Hans sa pagtatago nito sa labas?-
(The next day…)
-Northside High, 11:17am-
Daverson’s PoV
Binalak naming pumunta ni Anderson sa opisina ni Mr. Hans pero hindi na kami tumuloy dahil may isang estudyante ang pumasok sa loob na sa tingin ko freshmen dito sa North.
“Siya si Sarah Hans.” pabulong na sabi sa akin ni Anderson habang nakatingin kami sa pinto ng opisina. “Ang apo ni Mr. Hans.” dugtong niya.
“Oh sa dami ng lugar kung saan kayo pwedeng mag-date, dito pa talaga ha?” nagulat na lang kaming dalawa ni Anderson dahil may nagsalita sa likod namin at si Jiro ‘yun na kasama sina Julie at Faye.
“Ewan ko sa’yo pre.” sabi ko kay Jiro at tinapik ko ang balikat niya. Hinila ko na rin ang kanang kamay ni Anderson at umalis na kami doon sa tapat ng opisina ni Mr. Hans.
Dumiretso kami sa garden dahil may ilang minuto pa naman ang hihintayin namin para sa susunod naming klase.
“Alam mo bang hindi ito isang palaisipan? Isa itong laro na kung hindi tayo kikilos… pwede tayong ma-checkmate.” sabi niya ng seryoso.
Kada magsasalita siya ng ganyan pakiramdam ko may bago na naman siyang natutuklasan eh. Pfft.
“Napansin mo ba ang ikinikilos ni Mr. Hans kanina?” dugtong na tanong ni Anderson sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
(To be continued…)