The Secret of Class Amethyst
Genre: Mystery/Thriller
EpilogueLahat ng bagay may katapusan, maaaring ang maging resulta ng lahat ng ginawa mong paghihirap ay positibo o maging negatibo.
Pero sa kaso na natapos namin ni Lee... masasabi kong positibo ang bagay na kinalabasan. Nailigtas namin ang mga estudyante na maaaring maging sunod na biktima ni Julie.
Ang laro na ginawa niya ay natapos na rin sa wakas… maraming buhay na siyang winasak na kung tutuusin ay hindi na niya dapat ginawa dahil lang sa walang kwenta niyang dahilan… ang nakaraan niyang winasak ang pagkatao niya.
Nasabi sa akin ni Tricia na noong unang araw niya sa North ay balisa si Julie kaya mahirap siyang iapproach. Walang nakakaalam sa kung sino ba talaga siya at higit sa lahat… lagi itong nagwawala ng walang dahilan sa loob ng kwarto niya.
Pero hanggang sa lumipas ang panahon ng pagtatagal niya sa North ay naging palakaibigan at naging masayahin siya. Isa na rin siguro ‘yun kung bakit siya nahalal na presidente ng klase namin. Ngunit hindi namin alam na sa kabila ng pagiging masayahin at palakaibigan niya ay hindi pala iyon totoo. Nagtatago ang totoong siya sa mga ngiti niya at walang nakakaalam sa amin ng bagay na ‘yon.
“Genevieve! Wahh! Papicture naman!” sigaw ni Faye sa akin habang tumatakbo papunta sa direksyon ko para magpakuha ng litrato. Pfft.
“Hoy sali ako!” biglang singit naman ni Joey sa gitna namin.
Nakakatuwa lang na sa lahat ng nangyari sa amin, naka-graduate kaming lahat ng mapayapa sa North. Sa dami ng naranasan namin sa eskwelahan na ‘to, maraming alaala pa rin ang maiiwan namin na hindi namin makakalimutan.
Nagpasya akong pumunta sa garden habang ang iba ay nagdidiwang pa rin. Maraming alaala din ang mayroon sa garden na ‘to na hindi ko makakalimutan.
“Anderson…” may tumawag sa pangalan ko at pagtingin ko sa likod ay si Lee ‘yon.
“Congrats.” sabi ko nang makalapit na siya sa akin. Pagkatapos kong sabihin ‘yon ay niyakap niya ako na ikinagulat ko naman.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” tanong niya sa malungkot na tono ng pananalita habang nakayakap pa rin sa akin. Kung ganun nakarating na ang balita sa kanya.
“Hindi ka ba natutuwa para sa akin?” tanong ko pabalik.
Pagkatapos kasi ng pagresolba ng kaso ni Genesis ay tinawagan ako ni Papa para sabihing naayos na niya ang lahat ng papeles ko para makasunod sa kanila sa Amerika. Noong una ayoko dahil baka hindi ako tanggapin ni Mama, pero noong marinig ko ang boses niyang nagmamakaawang sumunod ako doon ay parang tinunaw ang puso ko. Humingi na rin siya ng tawad sa akin sa mga nangyari noong nakaraang mga buwan.
Pero sa pagsunod ko doon, marami akong maiiwan dito na naging parte na ng buhay ko.
“Kung ano ang mas makabubuti sa’yo, ‘yun ang sundin mo.” sabi niya ng nakangiti pagkatapos bumitaw sa pagkakayakap niya sa akin.
“Pag-butihan mo sa college… dapat pagbalik ko dito… isa ka ng ganap na Detective Lee.” sabi ko sa kanya na ikinangiti niya.
Aalis man ako… maiiwan pa rin ang mga alaala dito sa North na lagi kong dadalhin sa kinabukasang darating.
(6 YEARS LATER…)
-AL Detective Agency, 09:36am-
Daverson’s PoV
“Good morning Sir! May natanggap po kaming report na may ipapadala ang isang agency na bagong Senior Detective dito sa AL Detective Agency!” sabi ng assistant kong si Smith.
“Mga anong oras siya dadating?” tanong ko sa kanya. Panibagong detective na naman ang ipapadala nila, baka naman bopols din ‘yan katulad ng mga low class na pinapadala nila. Tsk.
“Ah- sir… Ano po ngayong oras na po.” sabi niya pagkatapos tumingin sa orasan niya.
Biglang bumukas ang glass door ng opisina ko at may pumasok na isang babae.
Napangiti ako nang mapagtanto ko kung sino ‘yon.“Good morning Detective Lee.” bati niya ng nakangiti pagkapasok niya sa loob.
“Welcome sa agency Anderson. Or should I say… Senior Detective Genevieve Anderson.” nakangiti kong bati sa kanya at nag-shake hands kami.
(THE END)
A/N: Sorry for the 2 years delay. 😞