The Secret of Class Amethyst
Genre: Mystery/Thriller
Chapter 8: Files
Daverson's PoV
"Anong ginagawa natin dito?" pabulong na tanong ko sa kanya dahil palihim kaming pumunta dito sa may Records Division ng school.
Baka madetention pa kami ng wala sa oras 'pag nahuli kami dito. Tsk.
"May titingnan lang tayo. Shh..." pabulong na sagot niya habang sumesenyas na huwag daw akong maingay. Ok? Buti na lang break time ngayon at yung ibang office workers ay nasa cafeteria. Phew.
Nakarating kami sa kung saan may shelves at maraming nakalagay doon na mga folders. Mukhang alam ko na yung binabalak niya.
-
"Dito nila nilalagay yung listahan ng mga nabiktima." Sabi niya habang hawak ang isang piraso ng kulay kapeng folder matapos naming halughugin ang bawat sulok nitong mga shelves. Tiningnan ko isa-isa yung laman ng folder na 'yun dahil baka makakuha kami ng hint sa kung sino ang may gawa ng karumal dumal na pagpatay sa mga estudyante.
-
Name: Genesis H. Anderson
Age: 17
Gender: Female
Year/Sec: IV- Amethyst
August 16, 1998 - June 10,2015
-
Name: Raden Jean S. Dela Vega
Age: 17
Gender: Female
Year/Sec: IV- Amethyst
May 24, 1998 - June 28, 2015
-
Name: Selene L. Zion
Age: 16
Gender: Female
Year/Sec: IV-Amethyst
December 15, 1999 - July 17, 2015
-
Name: Yasmin C. Cruz
Age: 17
Gender: Female
Year/Sec: IV-Amethyst
May 17, 1998 - July 29, 2015
-
Name: Dorothy N. Pascual
Age: 17
Gender: Female
Year/Sec: IV- Amethyst
January 24, 1998 - August 16, 2015
-
"Kung ganun, ang kakambal mo ang unang naging biktima." Sabi ko sa mababang tono dahil kahit ako nalulungkot sa pagkamatay nila. Masyado pa silang bata para mangyari sa kanila ang ganoong mga bagay. Tsk.
Mahuli ko lang kung sino ka... pasensyahan tayo.
-
Pagkatapos naming tingnan yung mga files sa Records Division ay dumiretso kami sa garden ng Northside para magpahangin saglit.
"Ano ba talagang balak ni Mr. Hans? Hindi na normal ang mga ganitong bagay. Limang estudayante na ang namamatay pero hindi nila pinapaalam sa kinauukulan." Nakakuyom ang mga kamao ko habang sinasabi ko sa kanya 'yun.
"Tingnan mo ng mabuti ang mga tao sa paligid mo. Magmasid ka sa mga bagay bagay na mahirap ipaliwanag dahil hindi sa lahat ng oras makakasama mo ako." Sabi niya ng seryoso habang nakatingin sa itaas.
(To be continued...)