The Secret of Class Amethyst
Genre: Mystery/Thriller
Chapter 12: Instincts
Daverson's PoV
"Sa wakas! Tapos na ang School Festival! And guess what? Ang laki ng kita natin!" masiglang sigaw ni Faye, ang treasurer sa klase namin.
Bakit parang wala silang pakialam sa nangyayari sa eskwelahan na'to? Tch. Lima na sa klase na 'to ang namatay pero nagagawa pa rin nilang magsaya.
"Tumataginting na 35,232 pesos lahat ng kita natin! Idadagdag ko na lang 'to sa class fund natin sabi ni Julie." Dagdag niya habang nakatayo sa unahan.
"Lee, anong tingin 'yan?" pabulong na tanong sa akin ni Anderson dahil napansin niya yatang ang sama ng tingin ko sa nangyayari sa klaseng 'to.
"Wala naman, may gumugulo lang sa akin." Sagot ko sa kanya.
Kung iisipin ng mabuti, nalalapit na namang may isunod na biktima. Tch. Naiinis ako kasi wala akong ibang pwedeng magawa para mapigilan kung sino man 'yun.
-
"Bakit nagagawa pa rin nilang magsaya sa ganitong sitwasyon?" tanong ko sa kanya. Pumunta kami ni Anderson dito garden dahil may meeting ang lahat ng teacher ng Northside ngayong oras. Nakahiga kami sa damuhan habang pinagmamasdan ang ganda ng kalangitan.
"Sabihin na lang nating wala silang sinasayang na oras at panahon ngayon. Hindi natin alam kung kailan siya aatake. Maaaring ngayong oras, ngayong araw o baka bukas. Bawat segundo o minuto ay mahalaga para sa kanila. Hindi mo lang napapansin na sa kabila ng pagiging masaya nila, nandoon ang takot na baka iyon na ang huling mga panahon nila dito sa mundong 'to." Paliwanag niya sa akin.
"Tch. Wala silang ginagawang aksyon kaya puro takot yung nasa isip nila. Nakakainis lang na wala akong pwedeng magawa." Sabi ko sa kanya ng madiin.
"Mamayang gabi... mamayang gabi magtitipon ang klase natin sa classroom. Mas mabuti kung hindi na tayo pupunta. Gumawa tayo ng sarili nating imbestigayon para maresolba 'tong nangyayari dito. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila, mas makabubuti kung sila sila na lang ang mag-usap usap para sa gagawin nilang aksyon." sabi niya. Bakit hindi ko alam ang tungkol sa bagay na 'yan?
-
"Tingnan mo ng mabuti ang mga tao sa paligid mo. Magmasid ka sa mga bagay bagay na mahirap ipaliwanag." Naalala kong sabi ni Anderson sa akin noong nakaraang mga araw. Magmasid sa mga bagay bagay sa paligid? Buti sana kung madali eh. Tch.
Ngayong gabi magaganap ang pagtitipon nila sa classroom ng Amethyst. Nagpasya akong hindi na sumama gaya ng sinabi ni Anderson sa akin. Sila Joey, Shin at Jiro ay niyayaya akong sumama pero gaya nga ng sabi ni Anderson kanina, pabayaan na lang namin sila sa gagawin nilang aksyon. Alam ko namang hindi sasama ang lahat sa klase dahil ang iba sa kanila alam kong tulog na sa mga oras na 'to. Pfft.
-
Genevieve's PoV
Umalis na yung mga kasama ko sa kwarto dito sa girl's dorm ng North at alam kong pumunta na sila sa classroom. Si Julie at Jiro ang nagpakalat ng balitang may pagtitipon na magaganap at mukhang hindi nakarating kay Lee yung balitang 'yun.
Sa pag-iisip ko sa taong maaaring nasa kabila ng mga pagpatay ay may kumatok sa pintuan ng kwarto. Agad akong tumayo para buksan yung pinto at para makita na rin kung sino yung kumakatok.
"Oh Helen? May problema ba?" tanong ko pagkabukas ko ng pinto at si Helen ang nakita ko.
"Ah- hehe wala naman. Hindi ka ba pupunta sa classroom ngayong gabi?" tanong niya sa akin.
"Napagod ako sa activities natin noong mga nakaraang araw kaya magpapahinga muna ako ngayon." Alibi ko sa kanya.
"Ganun ba? Sige ako na lang mag-isa ang pupunta doon. Magpahinga ka na. Bye." Nakangiti niyang sabi sa akin tapos ay naglakad na siya sa hallway papalayo.
Nang mawala na siya sa paningin ko ay bigla na lang ako kinutuban ng masama.
Pero hindi ko na lang 'yun pinansin dahil mas marami pa akong bagay na dapat isipin.
(To be continued...)