Chapter 10: School Festival (Part 1)

41 3 0
                                    

The Secret of Class Amethyst

Genre: Mystery/Thriller

Chapter 10: School Festival (Part 1)


Daverson's PoV


"Lee! Gusto mo bang sumali sa booth namin sa School Festival? Café yung magiging theme namin!" masiglang sabi sa akin ni Ashlyn.


Bakit ako niyayaya nito? Eh pangbabae lang naman yang ganyang tema ng booth eh.


"Kailangan kasi namin ng mga butlers eh. Mayroon na rin kaming maids na na-recruit." nakangiti niyang sabi sa akin habang hawak ang parang menu.


Bago siya umalis ay may binulong muna siya sa akin... "Kasama pala namin si Genevieve." sabi niya sa hindi ko maintindihan na tono ng pananalita. Eh ano naman kung kasama siya? Tch.


-


"Nandito ka pala." sabi sa akin ni Anderson nang makita ko siya sa may swing.


Hindi ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko dito sa may playground sa labas ng school. Siguro kasi busy ang lahat para sa paghahanda sa school festival at wala naman akong ibang matutulong doon.


"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya nang makaupo ako sa kabilang swing.


"May masama akong kutob." walang gana niyang sagot sa akin.


Kung ganun parehas kami ng kutob.


"Malapit na matapos ang buwan." sabi ko sa mababang tono. Sino ang isusunod niya? Tsk.


"Sa tingin mo, ano ang pinaka-rason kung bakit tayo nabubuhay sa mundong 'to?" tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ako sumagot at hinintay siyang magsalita ulit.


"Para sa akin, hindi mo malalaman 'yun kapag hindi ka pa nakaranas ng mga bagay na pwedeng wasakin ang pagkatao mo. Kaya may sapat na akong rason ngayon kung ba't ako nandito... 'yun ay para maging malakas." seryoso niyang saad habang nakatingin sa mga damuhan sa ibaba.


"Pero hindi mawawala yung pagkakataon na kailangan mo rin maging mahina, umiyak at masaktan sa buhay. Pansin ko kasi sa'yo, pinipilit mong maging matapang... Hindi ka naman nag-iisa, tandaan mo 'yan." hindi ako makapaniwalang nasabi ko 'yun sa kanya.


"Salamat kung ganun." nakangiting sabi niya. Takte! Ano na naman 'tong kaba na nararamdaman ko? Tch.


-


Genevieve's PoV


"Kyaahh~! Ang cute mo Genevieve!" tili ni Helen habang tinitingnan akong suot 'tong nakakadiring maid outfit. Hindi ko nga alam kung bakit ako napa-oo nitong mga 'to na sumali sa booth nila eh.

"Okay guys! Maya maya magbubukas na tayo ng booth at gusto ko lahat kayo fresh! Haha!" sabi ni Tricia sa amin. Ako lang ba o parang binubugaw niya kami sa tono ng pananalita niya? Tch.


-


Daverson's PoV


"Pre balita ko magaganda daw yung mga maids na nasa Café Booth! Tara puntahan natin." Narinig kong sabi ng mga mukhang manyak na mga estudyante sa likod ko. Nakapila ako sa nagtitinda ng frappe dito sa festival dahil balita ko masarap daw yun dito.

Pero umalis na ako dun sa pila at dumiretso sa Café Booth dahil sa pagkaka-alala ko nandoon si Anderson. Tsk. Baka ma-bastos pa siya ng wala sa oras doon.

-

"Sakto kailangan namin ng butler! Haha! Tara magbihis ka na!" pambungad na sigaw ni Tricia pagkapasok na pagkapasok ko sa booth nila. Langhiya nandito din pala yung mga kasama ko sa dorm.

-

"Oh pre! Hindi mo naman sinabing interesado ka pala dito sa booth. Pfft. Ang gaganda nila sa maid outfit oh. Tingnan mo." Sabi ni Joey sa akin habang tinitingnan yung mga maids na na-recruit nila.

Si Anderson? Tch. Bakit pumayag siyang magsuot ng ganyan?



(To be continued...)


A/N: Please vote and comment. ^_^


The Secret of Class AmethystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon