Chapter 2: Unsolved Pieces

86 5 0
                                    

The Secret of Class Amethyst

Chapter 2: Unsolved Pieces

Hindi pa man ako nakakalayo ay nakita kong nakatingin lang yung Anderson na 'yun sa pinangyarihan ng krimen at ang sama ng tingin niya sa ambulansya na pagmamay-ari ng mga crime experts na papalabas na ng Northside High.

Hindi ko na lang yun pinansin dahil mas nangingibabaw sa isip ko yung babaeng pinatay kanina. Tsk. Hindi ito ang unang beses na makakita ako ng bangkay, pero ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako.

-

(The next day...)

-Northside High, 09:06am-

"Lee, siguro naman alam mo na yung balita tungkol sa nangyari kay Dorothy 'diba? Huwag na huwag mong ilalabas ang balitang 'yun sa labas ng Northside kung maaari lang." pakiusap sa akin ng presidente ng klase namin na si Julie. Kung ganun Dorothy pala ang pangalan ng babaeng pinatay kahapon.

"Pero bakit hindi ko ipapaalam sa labas?" tanong ko sa kanya ng naguguluhan.

"Kinausap kami ni Mr. Hans, sinabi niya na ang mga private investigators na ang bahala sa mga nangyayaring murder sa eskwelahang 'to partikular dito sa klase natin." Sabi ulit niya pero naguguluhan pa rin ako. Ano ba talagang nangyayari?

-

Pumunta muna ako dito sa may garden at magpapahangin muna saglit dahil hindi kinakaya ng sistema ko ang mga nangyayari.

"Tara! May panibagong biktima na naman siya." Naalala kong sabi ng isang estudyante kahapon. Sino yung tinutukoy niyang siya? Kung kilala nila kung sino yung 'siya' na 'yun, bakit kailangan pa ng mga private investigators?

"Huwag na huwag mong ilalabas ang balitang 'yun sa labas ng Northside kung maaari lang." naalala kong sabi ni Julie. Bakit kailangang ilihim pa sa labas ang mga nangyayari sa eskwelahang 'to? Dahil ba baka wala ng pumasok dito sa mga susunod na taon kung malalaman ng iba ang nangyayari dito? Natatakot ba silang baka malugi ang eskwelahang 'to kapalit ng kaligtasan ng mga susunod na papasok dito?

"Kinausap kami ni Mr. Hans, sinabi niya na ang mga private investigators na ang bahala sa mga nangyayaring murder sa eskwelahang 'to partikular dito sa klase natin." Dugtong niya kanina na lalong nagpagulo sa utak ko. Si Mr. Hans ang Principal ng Northside at hindi masagi sa isip ko kung ano ba ang dahilan niya ng pagtatago nito sa labas.

At higit sa lahat, kailan pa nangyayari ang mga bagay na 'to?

Tch. Siguro mas mabuti kung ako ang tutuklas para masagot lahat ng katanungan ko. Pero sa'n ko uumpisahan?

-

Genevieve's PoV

Mukhang may kaagaw ako sa paborito kong lugar ha? Pumunta muna ako dito at nagpasyang hindi muna pumasok sa isang subject.

Yung transferee pa na 'to yung madadatnan ko dito na natutulog. Siguro ngayon naguguluhan na siya kung ano ba talaga 'tong eskwelahan na pinasukan niya. Umpisa pa lang, alam ko na pagsisisihan niya kung ba't siya pumasok dito sa Northside. Tch.

-

Daverson's PoV

Takte nakatulog pala ako dito! Nagmadali akong tumayo at dumiretso sa classroom dahil baka late na ako. Pero iba ang inaasahan kong madadatnan ko.

Mukhang may meeting ang buong klase at si Julie na Presidente ng klase at kung hindi ako nagkakamali ay Jiro ang pangalan ng Vice President ay ang nagsasalita sa harap.

Tahimik akong pumunta sa pwesto ko at pansin kong nakatingin na naman sa akin 'tong katabi 'to. Huwag niya sabihing type niya 'ko? Napa-ngiti ako ng konti sa iniisip ko.

"Nasabi ko na sa inyo ang gustong ipasabi ni Mr. Hans sa ating lahat. Kaya please lang guys, cooperation!" sabi niya sa amin ng seryoso. Yun ba yung huwag ilalabas sa kinauukulan kung ano man ang nangyayari dito sa loob ng Northside? Eh mga duwag naman pala sila eh. Pero wala na rin naman akong ibang magagawa. Kabago-bago ko pa lang dito kaya ayokong mag-traydor.

Baka nga may sapat na rason si Mr. Hans kung bakit niya ginagawa 'to, hindi lang dahil sa pera pero may mas malalim pang dahilan na hindi namin alam.

-

"Hoy transferee!" narinig kong may sumigaw mula sa likod ko kaya napaharap ako sa kung sino man 'yun. Teka, si Anderson 'to ah? Biglang sumagi sa isip ko yung itsura niya nung isinasakay ang wala ng buhay na si Dorothy dun sa may ambulansya. Hindi ko alam kung ba't ako biglang kinilabutan.

(To be continued...)

Please vote and comment. ^_^

-Les


The Secret of Class AmethystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon