Chapter 19: Her Dream

8 0 0
                                    

The Secret of Class Amethyst
Genre: Mystery/Thriller
Chapter 19: Her Dream

Daverson's PoV

"Saan mo balak mag-college?" tanong ko kay Anderson. Ilang buwan pa bago kami maka-graduate pero tinatanong ko na siya sa mga bagay na 'to. Pfft.

"Sa ngayon... hindi ko pa alam." sagot naman niya habang nakatingin sa itaas.

Nandito ulit kami sa garden, dating gawi pa rin kapag free time namin. Hindi nga masagi sa isip ko kung bakit walang tumatambay dito eh. Pfft. Pero ayos na rin 'yun, may quality time kami.

Teka... Quality time? May sinabi ba 'kong quality time namin? Tch.

"Si Genesis... napanaginipan ko siya kagabi. Nakangiti siyang nakatingin sa akin habang hawak ang kamay ko." sabi niya nang may lungkot sa boses niya. Alam kong miss na talaga niya ang kakambal niyang si Genesis.

"Sa tingin ko masaya siya ngayon." sabi ko sa kanya.

"Siguro nga... pero mas masaya ako." sabi niya.

"Kasi natapos na natin 'to?" tanong ko sa kanya.

"Kasama 'yan sa dahilan, isa pang dahilan ay ang makasama kita sa pagtuklas ng lahat ng 'to." sabi niya na nagpangiti sa akin.

-

-Northside Dorm, 07:14pm-

Sandaling oras na lang at magtitipon-tipon ulit kami sa classroom ng Amethyst.
Base sa mga pinagtanungan namin ni Anderson ay wala namang nakatanggap ng maling impormasyon sa kung anong oras ba ang pagkikita-kita namin dahil alas-otso ang mga oras na ibinigay nilang sagot sa amin.

Ha. Mukhang nag-iba na siya ng taktika dahil ayaw niyang mahuli sa pagkakataong ‘to.

“Lee…” tawag ni Shin sa pangalan ko.

“Oh bakit?” tanong ko sa kanya.

“Yung nangyari noong nakaraang gabi… yung nangyari kay Helen… mayroong… nakatusok na Metal Pipe sa leeg niya.” sabi niya na parang hindi mapakali at mukhang takot na takot.

“Oo, nasabi na sa akin ‘yan ni Joey.” sabi ko naman.

“May isang tao akong nakitang may hawak ng Metal Pipe at galing siya sa loob ng CR ng babae.” sabi niya ng seryoso.

“Sino ‘yun?”

“Siya si…”

-

-Northside High, 08:03pm-

“Siguro naman nandito na tayong lahat diba?” tanong ni Jiro sa amin.

“Wala si Shin dito.” sabi ko para malaman ng lahat na si Shin lang ang wala dito. Sa sinabi niya kanina bago ako pumunta dito ay tama nga ang mga kalkulasyon ko at walang duda doon.

“Naudlot ang pag-uusap natin noon tungkol sa mga nangyayari ditong pagpatay. Inuulit ko, ano sa tingin niyo ang puno’t dulo ng lahat ng ‘to?” tanong ni Julie sa amin.

Ang lakas naman ng loob niyang itanong sa amin ‘yan. Tch.

“Bakit mo tinatanong sa amin ang mga bagay na ikaw at ikaw lang mismo… ang may alam ng kasagutan… Ms. President?” sabi ni Anderson sa mababang tono at seryoso habang kitang-kita ko ang paglaki ng mga mata ni Julie Edwards. Tch.

(To be continued…)

The Secret of Class AmethystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon