Chapter 17: Nervous

5 0 0
                                    

The Secret of Class Amethyst
Genre: Mystery/Thriller
Chapter 17: Nervous

“Alam mo bang hindi ito isang palaisipan? Isa itong laro na kung hindi tayo kikilos… pwede tayong ma-checkmate.” sabi niya ng seryoso.

Kada magsasalita siya ng ganyan pakiramdam ko may bago na naman siyang natutuklasan eh. Pfft.

“Napansin mo ba ang ikinikilos ni Mr. Hans kanina?” dugtong na tanong ni Anderson sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

“Oo, para bang sobrang iniingatan niya ang kanyang apo na baka may mangyari ditong masama.” sabi ko base sa nakita ko kanina.

“Mismo. At ano sa tingin mo ang ginagawa ng tatlo doon sa office?” tanong niya na nagpa-isip sa akin. Ano nga bang ginagawa nila Jiro doon?

“Baka naman pinatawag sila doon?” sagot ko.

“Hindi.” madiin niyang sagot.

“Eh ano sa tingin mo?” tanong ko sa kanya.

“Mamaya… mamayang gabi tanungin mo si Jiro.” sagot niya sa akin. Langhiya naman oh, bakit ako kinakabahan?

-

-Northside dorm, 07:32pm-

Gaya ng sinabi ni Anderson na tanungin ko si Jiro tungkol sa nangyaring pagpunta nila kanina sa opisina ay parang hindi ko kaya. Tsk. Kinakabahan ako sa maaaring maging sagot niya.

Baka maging tama ang kutob ko sa lahat ng ‘to sa isasagot niya kaya hanggat maaari ayoko itanong ‘to. Pero wala ng ibang paraan.

“Jiro… anong ginawa niyo kanina sa opisina ni Mr. Hans?” tanong ko sa kanya ng seryoso habang siya naglalaro sa PSP niya.

“Bakit pre type mo rin ba si Sarah?” sagot niya ng nakakaloko sabay lapag ng PSP niya sa higaan.

“Langhiya seryoso ako tapos ganyan isasagot mo?” bulyaw ko sa kanya.

“Hahaha! Loyal ka nga pala kay Genevieve pre. Pasensya na. Pfft.” sabi niya habang nagpipigil ng tawa. Loko-loko talaga ‘tong isang ‘to.

“Sa tanong mo kung anong ginagawa namin sa opisina ni Mr. Hans… pinabitbit lang naman sa akin yung sandamakmak na papel kaya hindi na ako kailangan doon tsaka umalis na rin ako agad-agad. Sakto namang nandoon si Sarah mylabs kaya sulit ang pagbubuhat kasi nakita ko siya! Hahaha!” paliwanag niya habang tumatawa na parang hyena. Sira ulo talaga ‘to.

Kung ganun, walang naganap na meeting o kung ano pa man sa opisina ni Mr. Hans kanina. Konting kalkulasyon na lang ang kailangan para malaman kung sino siya. Tch.

Dumiretso ako sa veranda ng kwarto namin at dinial ko kaagad ang number ni Papa. Sana naman wala siyang iniimbestigahan ngayon.

Matapos ang ilang Ring ay buti naman sinagot niya. Phew.

“Oh anak, napag-isipan mo na ba?” bungad na tanong niya sa akin. Pfft.

“Pa, matagal na akong nakapag-desisyon tungkol sa misyon na dapat kayo ang gumagawa. Hahaha!” biro ko sa kanya.

“Makinig ka… may taong pumipigil sa amin sa pag-iimbestiga sa loob ng eskwelahan niyo.” Gotcha! Tama nga ang hinala kong may pumipigil sa kanila dito.

“At isa pa, balitaan mo kami kung may progreso na ang pagmamasid mo diyan. Sige anak ibababa ko na ‘to. Tawagan mo na lang ulit ako sa susunod… mag-iingat ka diyan.” bilin niya ng seryoso tapos binaba na ang telepono.

Wala pa yatang isang minuto kaming nag-uusap tapos binaba na niya. Tch.

(To be continued…)

The Secret of Class AmethystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon