Glaiza
"Glaiz! Glaiz!" sigaw ng bestfriend kong si Chynna habang humahangos papunta sa kinauupuan ko.
"o bakit? anong problema?" Tanong ko dito habang nagmumuni muni sa kinauupuan kong damuhan.
"Eh kasi si Mike...."
"O ano si Mike? bakla? hay nako Chynz matagal na!" birong sagot ko dito pero hinampas lang ako nito sa braso at nagsalita habang maluha luha.
"Gaga ka! seryoso to! si Mike naaksidente! mamamatay na sya!" nakahawak sa pusong sabi nito habang umiiyak.
Agad naman akong napatayo at hinawakan ito sa magkabilang kwelyo.
"Ano?!" gulantang na sigaw ko dito at nagtalsikan pa ang laway ko sa fes nya.
"Ang baboy mo!" angal nito. Niyugyog ko sya bago muling nagsalita.
"Anong nangyari kay Mike!" tanong ko dito habang patuloy syang niyuyugyog.
Si Mike ang isa ko pang bestfriend na nagtatrabaho sa parlor ng mga kapederasyon nito.
Para ko ng tunay na kapatid ang dalawang to kaya ganon nalang ang pagaalala ko sa narinig.
"Ayun nga ang sasabihin ko sayo pero tigilan mo yang pag-alog mo sakin kung ayaw mong masuka ko sayo ang kinain kong bilo-bilo kanina."
"Ewww....." agad ko syang binitawan. "ano ngang nangyari kay Mike Chynz?!"
"Oo nga pala..." binalik nito ang naiiyak nyang ekspresyon at muling nagsalita. "si Mike kasi Glaiz... Napagtripan sya ng mga adik sa kanto nung pauwi na sya sa kanila... tapos... kakaiwas nya sa mga yun nabangga sya ng humaharurot na jeep!" naiiyak nitong saad at siningahan ang laylayan ng suot nyang shirt.
Agad naman akong tumakbo para makahanap ng masasakyan (sira kasi ang kotse ko)
"Sandali Glaiz! Hintayin mo ko!" Sigaw nito habang nakasunod.
. . . .
Nagmamadali kaming sumugod sa ospital at pinuntahan ko agad ang kwarto ng naghihi-ngalong si Mike.
Pag-pasok ko sa loob may isang lalaking mukang galing pa sa gaybar na naka hawak sa kamay nitong may kulay pink pang manicure.
Agad umalis ang lalaking kahawak nito ng makita ako.
Tumingin naman sakin si Mike at sumenyas na lumapit ako sa kanya.
Dali-dali naman akong tumakbo palapit dito at niyakap sya ng mahigpit.
"Bakla anong nangyari sayo! bakit mo ko iniwan!!! whaaaa!!!!" palahaw ko dito.
Agad naman nyang inangat ang nakapilantik nyang daliri at tinusok-tusok ako sa pisngi habang nakairap.
"Bakla wag kang excited buhay pa ko!" malanding pagkakasabi nito.
Medyo hirap pa ito sa pagsasalita dahil may benda ito pati sa nguso.
"Pero bakla... mukang malala ang pagkakabangga sayo... para kasing tumabingi pati muka mo oh..."
"Glaiz wag mo ng ipaalala na naiistress ang beauty ko. Anyway... buti nandito ka na at may ihahabilin sana ako sayo" biglang seryosong turan nito.
Napatigil naman ako kaiiyak at nag ayos ng sarili.
"Alis na ko" akma sana akong hahakbang palayo ng hilahin nito ang buhok ko!
"Aray! Ano ba?" Angal ko dahil muntik sumama pati anit ko sa lakas nun.
"Makinig ka muna kasi!"